KADARATING ko lang sa bahay, hindi ko makita ang prinsesa ko kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Pukay, pero naririnig ko rin mismo sa living room ang tunog ng ringtone niya. Where is she? Agad akong nagtungo sa kusina pero wala rin siya roon. Alas-singko pa lang naman kasi kaya baka akala ni Pukay ay gagabihin ako ng uwi. Gusto ko talaga siyang sorpresahin pero mukhang hindi effective ang plano ko. Besides, nagkaroon ng maraming changes sa office dahil sa mga nag-resign na empleyado. Medyo naninibago ako sa new setup pero I can manage naman. Ang bagong secretary na pumalit kay Vangie ay medyo hindi organized. Medyo tarantahin at wala lagi sa sarili. Gano’n pa man, I gave her a chance. I am planning to invite Pia to work in my office, isa ito sa sorpresa

