DISHWASHER

1120 Words

MAAGA RIN AKONG UMALIS kinabukasan sa bahay ni Kendra. Kailangan kong kumilos. Walongdaang piso na lang ang pera ko. Akala ko kasi ay makababalik ako kay Lowi. Kapag nasa puder kasi ako ni Lowi, hindi ko iniisip ang pera. Bahala na! Ang bobo ko rin, hindi ko alam kung bakit ako nag-taxi kagabi. Kung iisipin, p’wedeng lakarin o mag-jeepney simula ospital papunta kina Lowi. Ang bobo ko talaga. Nalito at nataranta lang talaga ako. O excited lang na makita at mayakap siya? Alas-diyes na ng umaga at tirik na tirik na ang araw, wala akong makita na kahit anong hiring. Namamalimos na na lang kaya ako? Malaki raw kita ng mga pulubi at p’wedeng pang-hotel ang kita. Big time naman n’yon. After niyang mamalimos, sa hotel natutulog. Gara naman. Naku, mas lalong hindi katanggap-tanggap iyon. Kapag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD