SOBRA akong napagod. Mabuti na lang at mabait sa akin ang cook na tsismoso na may edad na rin at ang lalaking patpatin na tagagayat ng mga gulay at iba pang rekado. “Ano nga ba ulit ang pangalan mo?” tanong sa akin ng cook. Bakz daw ang palayaw niya kaya Bakz daw ang itawag ko sa kaniya. Pero mas bagay sa kaniya ang cook na tsimoso. “Pia ho, Mang Bakz.” “Magpahinga ka muna, Pia. Mamayang alas-sais ang huling break ng mga empleyado na nag-overtime, ang awas mo sa trabaho ay alas-otso.” Alam ko naman, pero iniisip ko kung saan ako matutulog mamaya. Sana kahit paano may makuha akong room for rent o kahit isang tuluyan lang talaga. PAGOD na pagod ako. Ako na lang ang nahuli dahil sa dami ng hinugasan ako. Ako rin ang magbabaldiyo ng buong kitchen. Mabuti na lang hindi ako ang nakatoka sa

