HINDI ako makapaniwala, si Pukay na ngayon ang handang magpahalik. Wala pa naman siyang nakakain na kahit ano, pero s’yempre nagpapakipot ako. Ayaw ko pa rin na isipin niyang nagte-take advantage nga ako sa kaniya pero gusto ko iyon. “P-P’wede b-bang sa labi?" hirit ko na naman. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. “Ayoko nga, manyakis ka talaga. Huwag na nga!” Biglang tinoyo si Pukay. Bumangon na saka nagsimulang lantakan ang hinanda kong instant noodle. Hindi man lang naghihilamos o nagsisipilyo bago sunggaban ang pagkain. Pasalamat siya kahit amoy panis na laway siya gusto ko pa rin matikman ang halik niya. Ang baho kaya ng amoy ng alak galing sa hininga niya tapos sabayan pa ng panis na laway. Ano ba ‘yan? Halik na nga, nabokya pa. Napangiti ako, ‘di bale na. Hindi lang labi niy

