Dahil alam kong naghihintay nang matagal si Pukay, hindi ko na lang ito inusisa. Saka na kapag wala siya sa bahay. Nag-aalala akong bumalik sa kaniya saka ko binalot ng t’walya ang kaniyang katawan. Hinayaan ko siyang maghubad. Isa na nagustuhan ko kay Pukay, kahit alam niyang gusto ko siya at manyak ang tingin niya sa akin, malaki pa rin ang tiwala niya sa akin. Medyo nanginginig na si Pukay kaya no’ng matapos siyang maghubad ay binalot ko na lamang siya ng tuwalya at binuhat na parang sako ng bigas pabalik ng k’warto. Hinayaan ko siyang magbihis at nang matapos ay dinala ko ang hairdryer sa kama upang doon na lang siya magpatuyo. Panay hikab ni Pukay, alam kong naginhawahan na siya at medyo okay na ang pakiramdam niya. Nakatayo ako sa harap habang ang mukha niya ay nakatapat naman s

