Samantalang ako, iniitsa ko lang at sinisiksik sa kabinet pagkagaling sa sampayan. Kapag sinipag edi tutupiin, kapag hindi bahala na. “B-Bago? Wow? Binili mo?" Inamoy ko ang brief, ang bango. Halatang nalab’han na. Agad kong binulatlat, ang bango talaga ng brief. Medium size, sakto ang sukat para sa akin. Ang ganda, Playboy brand ang hawak ko. Versace at Gucci naman ang ibang napansin ko sa drawer. Kahit na dukha ako, alam ko ang mga brand na iyan dahil nakikita ko sa website at magazine saka isa pa gan’yan ang mga brand ng damit ni Lowi. Hindi ko tanda ang iba pero madalas gano’n. “Hmm, matagal na iyan diyan,” maikling sagot ni Lowi. Bigla akong na-curious, matagal na raw. “Teka nga, sandali. Magk’wentuhan tayo ha.” Agad kong sinuot ang brief kahit nasa harap ko siya. Humawak pa ako

