PAGPASOK ko sa k’warto ko, sumandal ako sa likod ng pinto. Yes! Okay na kami ni Leebog ko. Akin na ulit ang trono. Ah, hindi. Wala naman palang naagaw ng trono. Balik p’westo pala. Ako lang naman itong nag-iisip at umalis. Nagmadali akong pumunta sa banyo upang maligo. Excited ako. Na-miss ko talaga ang bahay namin ni Lowi at ang buhay prinsesa ko. Agad akong naghubad ng damit ko at binuksan ang faucet. Itinapat ko sa warm para hindi ako gaanong ginawin. Binasa ko muna ang katawan ko at nilinis ang bathtub bago ako tuluyang umupo sa loob nito. Gusto kong magbabad, kaso anong oras na. May trabaho pa ako bukas at tiyak, libre pamasahe. S’yempre, magka-building kami ni Lowi at isasabay niya ako. Plano ko lang naman. Baka hindi ako payagan, umuusok nga kanina ang ilong habang nag-e-Engl

