Gustong magrambulan ng t***k ng puso ko. “Bahala ka, tawagan mo na si Conor. Sabihin mo huwag akong kalimutan ha?” bilin ko dahil nagsisimula na namang magwala ang puso kong tanga. Kanina ko pa gustong yakapin si Lowi, pero dahil ako si Beki, hindi p’wede. “Pia Kaye Tiborsia, when will you stop acting like an idiot? Hindi ka marunong umarte at mag-drama. You are also bad at lying." Luh, englishing na talaga si Lowi ko. Pia Kaye raw, duh? ‘Pag seryoso ang gagong ‘to buo talaga ang pangalan ko. Bigla akong hinarap ni Lowi at sinandal sa pader matapos bitiwan ang bag ko. Nagulat ako at nataranta kaya natawag ko ang pangalan niya. “Lowi, ano ba?" Ang lapit ng mukha namin at naamoy ko ang hininga niya. Mukhang nakainom si Lowi. Amoy wine ang hininga niya at ang init. “Tell me, are you

