“Sir Conor, ano pa ho ang order ninyo?” magalang kong tanong. Halos hindi ako humihinga na baka hindi nasakyan ni Conor ang gusto kong ipahiwatig. “Ah, yes. Beki, please bring us one flat white, one macchiato, and three cappuccinos.” Saka lang ako nakahinga nang maluwag. “Yes, sir.” “Hindi ako nagkakamali, ikaw si Pukay.” “Watson, calm down. Baka ibang tao nga naman ang sinasabi mo,” awat ni Conor pero ang tatlo ay sabay-sabay na umiling, titig na titig sa akin. Sang-ayon ang mga ito kay Lowi. Mahaba na ang buhok ko at ang laki ng initim ko. Maraming nagbago sa itsura ko lalo na sa pananamit kaya may lusot akong itanggi ang pagkatao ko. “She is my dishwasher, my newly hired dishwasher. Baka ibang tao ang tinutukoy ninyo,” depensa sa akin ni Conor. Laking pasasalamat ko na mabilis nak

