Kahit naman hindi ako tanggapin ng parents ni Lowi dahil ‘di ko sila mabibigyan ng apo, p’wede naman ako nakatira kay Lowi. Gano’n sa pelikula, matigas ang ulo ng lalaki kasi masarap ang bawal. Tama. 100 million, close deal na 'yun. Ang hirap pala makipag-deal sa mayayaman, pati apo may presyo, kapag wala kang kakayahan ang matres mo, basura ka, tae ka lang sa kanila. Ay! Ano ba itong naiisip ko. “Pia, you are lost. Ano ba ang iniisip mo?” pukaw sa akin ni Lowi, ginulo ang buhok ko. “Watson, mukhang hindi mo yata naaalagaan nang maayos itong si Pukay mo. Date her, inaalila mo naman masyado sa bahay mo. Look at her hands, huwag mo namang pagtrabahuin masiyado.” “Dad, I did not. Siya itong makulit na mapilit at gusto na magtrabaho sa canteen ni Conor,” depensa ni Lowi. Napangisi ako nan

