“HI, Pia,” bati sa akin ni Joan, ang bagong dishwasher. Kailangan pa ni Conor ng isang papalit sa akin. “Hi, Joan. Mabuti naman at nagustuhan mo rito.” “Oo naman, balita ko g’wapo raw ang may-ari ng canteen kaya excited akong makilala siya.” Napaismid ako, nakita ko ang sarili ko kay Joan. “Unahan na kita, huwag kang ilusyunada. Baka masaktan ka lang.” “Ito naman biro lang. Saka alam ko ang ibig mong sabihin. Pero malay mo naman, handa siyang iwan ang asawa o girlfriend niya para sa kagandahan ko. O, di ba?” K’wela rin itong si Joan, lakas ng tama. Sabagay, may punto siya. Asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya? Napabuntonghininga na lang ako. Si Lowi ko, ano kaya kami? Bandang ala-una, wala pa rin sina Conor at Lezzia kaya nagpaalam na lang ako nang maayos sa mga kasama ko. Dahil

