FELY'S POV
Hindi ako nakatulog nang maayos hanggang sa tumilaok na ang manok. Sumisilip na ʼyong sinag ng araw mula sa bintana, pero heto ako’t nakahiga pa rin sa kama.
Wala sa plano ko ang ganito. Wala sa bucket list ko ang ma-scam o maloko ng isang tao. At lalong-lalo na ang makasama sa iisang bahay ang lalaking hindi ko naman kilala!
“Ano kaya ang sasabihin nila kapag nalaman nila ang tungkol dito?” tanong ko sa aking sarili. Napabuntonghininga ako.
Wala pa sana akong balak tumayo kung hindi lang tumunog ʼyong tiyan ko dahil sa gutom. Pagkatapos kasi ng usapan kagabi ay dumiretso na ako rito sa kuwarto para matulog. At sa sobrang kabuwisitan ay nakalimutan kong hindi pa pala ako kumakain. Dito ako sa pangalawang silid natulog, which is katabi lang ng kuwarto niya. Iniisip ko pa lang na isang pader lang ang pagitan naming dalawa ng kumag na 'yon, nabubuwisit na ako!
Gustuhin ko mang gamitin ang guest room ay hindi rin puwede, masyadong maliit ang espasyo. Pati higaan at closet, maliit. Hindi kakasya ang mga gamit. At isa pa, ang likot-likot ko pa man din matulog, baka araw-araw akong may bukol kung nagkataon. Kaya napagdesisyunan kong ito na lang ang gamitin pansamantala habang hindi pa naaayos ang problema.
“Nasa’n na ba ʼyon?” iritadong tanong ko habang hinahalughog ang aking bag para kunin ʼyong cup noodles na baon ko.
Hindi ako marunong magluto kaya ito lang makakain ko ngayon. Sa bahay kasi namin, hindi naman ako namomroblema sa pagkain dahil may tagaluto naman do’n. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ang lakas ng loob kong magpaka-independent, eh, ni hindi nga ako marunong magluto? Na isang malaking kalokohan ang ginagawa ko.
Pero paano tayo matututo kung nakaasa pa rin tayo sa ibang tao?
Naghilamos at toothbrush muna ako bago lumabas. Sumilip muna ako sa awang ng pinto dahil ayokong tuluyang masira ang araw ko kapag nakita ang lalaking iyon. Nang masigurong wala ang kahit na anino niya ay saka lamang ako lumabas ng silid.
Hinawi ko ang mga kurtina at binuksan lahat ng bintanang madadaanan ko, in-off ko na rin ʼyong mga ilaw dahil maliwanag naman dito sa loob. Kailangang magtipid sa kuryente.
Hindi ko pa rin maiwasang magtaka. Napakalaki ng bahay na 'to para sa isang tao lang, to think na nakuha ko ito sa murang halaga. Feeling ko nga hindi ko naman magagamit ang lahat ng nandito sa loob.
Kung ibenta ko na lang kaya?
Pandagdag sa budget pa ʼyon. Puwede kong ibenta ʼyong kitchenwares na hindi ko naman alam gamitin.
“Finally! Makakakain din, sa wakas!” masiglang wika ko habang naglalakad papuntang kitchen. Ibang-iba sa pakiramdam na alam kong pag-aari ko at nakapangalan na sa ʼkin ang bahay na ito.
Pero saglit na natigilan ako nang madatnan ko ang isang lalaki na prenteng nakaupo sa dining area. Mabilis na nagsalubong ang aking kilay.
“Gosh, feeling ko nawala ʼyong gutom ko,” parinig ko sa kaniya. Tinungo ko na ang sink para kunin ang mga kakailanganin ko. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang agahan kong cup noodles bago naupo sa high stool sa may bar counter.
Spicy seafoods, my favorite!
Ngayon lang ako na-excite kumain kaya nilantakan ko agad ʼyon at sarap na sarap na kumain. Pero maya-maya lang ay biglang umalingasaw ang amoy ng bacon at hotdogs sa paligid. Nilingon ko iyon, kumakain na rin ng agahan.
Dumako ang tingin ko sa lamesa. Hotdogs, bacon, at fried rice ang nakahain sa harap. Mukhang marunong din naman pala magluto ang isang ʼto. Sabagay, prito lang naman ang gagawin sa mga ʼyon, kahit ako ay kayang-kaya gawin ang pagpiprito. Depende nga lang sa mood ko kung hahayaan kong hilaw iyon o sunog. Hindi ko na lang ito pinansin at bumalik muli sa pagkain.
Pero pakshet naman. Hindi ko mapigilang lumingon sa gawi niya at tingnan ʼyong pagkain. Ngayon lang ako natakam sa hotdog at bacon! Eh, halos araw-araw gan’yan ang agahan sa bahay.
Napailing na lang ako at itinuon ang atensyon sa kinakain kong cup noodles. Halos sabay din kaming natapos, nilagay niya na ʼyong pinagkainan sa lababo at ako naman ay dumiretso sa trash bin. Isang tinidor lang naman ang ginamit ko kaya mabilis ko ʼyong na hinugasan at binalik sa dispenser.
“Hey—”
Walang lingon-lingon akong dumaan sa harap niya nang hindi man lang pinapansin ang kaniyang pagtawag. Dumiretso na lang ako sa kuwarto para mag-ayos ng mga gamit.
Kahit na ganito ako, eh, nirerespeto ko pa rin ang sarili ko. Lalaki siya, babae ako, tapos kaming dalawa lang ang nasa bahay. Tapos hindi pa alam ng mga magulang ko. Hayy.
OA na kung OA pero gano’n talaga kapag dalagang Pilipina. Yeah!
BSN ang kinuha kong kurso ngayong college at 4th year na rin ako this school year. Plano ko kasing mag-Med pagka-graduate. Sana nga ay makapasa ako sa exam nang hindi gaanong nai-stress sa buhay.
Bata pa lang ako ay mahilig na ako maglaro ng doktor-doktoran kasama ang mga pinsan ko. At palaging ako ang doktor at sila naman ang pasyente. Hindi ako nakikipaglaro kung hindi lang naman ako ang gaganap na doktor. Niregaluhan kasi ako ni mommy dati ng doctor play set. May stethoscope, sphygmomanometer, thermometer, reflex hammer, tongue depressor, syringes, at pills na kasama do’n. May white coat pa nga ako, eh. Kumpleto ang get-up ko palagi kapag naglalaro.
Naalala ko pa, hindi ko alam kung ano’ng mga tawag do’n sa laruan kaya tinanong ko si mommy tungkol do’n. Ang kaso nga lang, kahit siya ay hindi alam ang mga ʼyon. Kaya nag-research kami at nanood ng videos about doctors.
And that caught my interest. Sabi ko sa sarili ko, “I'll become a doctor!”.
I was 7 years old back then, and here I am. Just one more year then I'll be taking the test towards Medicine. I'll be studying in Medical School, and make sure that I'll pass everything and get that degree! Few more steps and I'll become a doctor.
Alam kong hindi madali ang daan papunta sa pangarap ko. It will take, what, ten or more years to be a real medical doctor?
Pero ano naman ngayon? There's a rainbow always after the rain. Lahat ng hirap ay mapupunta rin sa sarap!
Nagdududa ako sa skills ko, oo. Pero pagdating sa perseverance, hindi. Gagawin ko ang lahat para maging doktor. Bumagsak sa isang subject? Ite-take ko ulit! May hindi ako maintindihan sa discussions? Magtatanong ako!
Gano’n lang ʼyon.
Hindi mo puwedeng dayain ang pagiging doktor, eh. Hindi ka puwedeng bumagsak sa isang subject tapos makikiusap ka na lang sa professor na ipasa ka, kahit pasang-awa pa ʼyan. No! Lahat ng natutunan mo sa college ay mag-re-reflect sa actual na trabaho.
Buhay ng isang tao ang hawak mo.
And that’s what I want. I like taking care of people. I like making them happy.
Bagay na hindi ko magawa sa sarili ko.
A knock on the door made me come back to my senses. Hindi ko ʼyon pinansin at pinagpatuloy lang ang paglalagay ng mga damit sa closet.
Isang malaking wooden cabinet at clothes rack ang nasa loob ng walk-in closet. May full-length mirror, shoe rack, at isang couch, carpeted rin ang sahig. Inayos ko ang pagkakalagay ng mga damit ko, by colors at style ang arrangement para hindi ako malito.
Iyong shoe rack ay hindi gaanong kalakihan pero sakto lang sa dala kong sapatos. Tatlong sneakers, dalawang heels, tatlong sandals, isang black at isang white shoes, at tsinelas na pambahay.
Narinig ko ulit ʼyong katok sa pinto pero hindi ko pinansin. Ano naman kaya ang kailangan no’n?
Nang matapos kong ayusin ang walk-in closet ay lumabas na ako. Sunod ko namang nilabas lahat ng librong dala ko, medical books, novels, pero karamihan kasi talaga ay mga librong related sa pagdo-doktor. Mahilig akong magbasa ng mga nobela noong high school ako at natigil lang ʼyon nang itapos ng pinakaiinisan kong tao ang mga libro ko sa basurahan. Hindi na nagbalak pang bumili ng mga bago simula no’n, napupunta lang naman sa basurahan.
Maayos kong nilagay ang lahat sa bookshelf. Pati ʼyong picture frames, favorite pillow ko na may disenyong pusa, at blankets ay nilabas ko na rin. And then poof! Everything's great, mukhang kuwarto na ulit.
Another knock on the door disturbed me kaya pinagbuksan ko na ʼyon dahil naiinis na ako!
“Ano’ng kailangan mo?” tanong ko sa kanya habang nakasilip sa munting awang ng pinto. Hindi ko iyon masyadong binuksan, sakto lang para makita ako. May hawak itong libro at nakasuot din ng salamin.
Ang guwapo ng hayop.
“It's 2 o'clock in the afternoon,” aniya dahilan para maguluhan ako.
“Alam ko, ano naman ngayon?” masungit na tanong ko. Ano’ng akala niya sa ʼkin, hindi marunong tumingin ng oras?
“Did you eat lunch?” seryosong tugon nito at saktong kumalam ang tiyan ko.
Oo ng apala, nakalimutan kong kumain! Masyado akong na-busy sa pag-ayos ng kuwarto. Kaya pala parang may kulang kanina.
“Oo, kakain ako mamaya,” tipid kong sagot.
“Okay,” tumalikod na ito at naglakad paalis.
Iyon lang?
Effort kumatok sa kwarto, ah. At dahil sa pagpapaalala niya, kumuha ulit ako ng cup noodles sa cabinet. Spicy jjampong naman ngayon ang kakainin ko. Hindi pa ako nakakapag-grocery kaya tiis-tiis muna. Well, hindi naman big deal sa ʼkin kung ito lang ang kakainin ko. Nakasanayan ko na, eh.
Simula no’ng tumuntong ako ng college, natuto akong kumain ng kung ano lang ang mayro’n ako. Wala kasi akong oras na bumili o maghintay ng matagal kapag o-order ng pagkain sa cafeteria, okay na ako sa cup noodles dahil mainit na tubig lang ang kakailanganin.
Naabutan ko ulit iyong lalaki sa sala na prenteng nakaupo sa sahig. Naka-on ang tv pero hindi naman nanood. Abala ito sa binabasa niyang libro at pagsusulat sa notebook.
Napakunot ang noo ko. Sayang sa kuryente. Siya ang magbayad niyan! Puwede namang magbasa nang hindi nakaandar ang tv.
Naglagay ulit ako ng mainit na tubig sa dala kong pagkain at naghintay ng ilang minuto. Palihim ko itong pinagmasdan. Seryoso at nakakunot ang noo, magbabasa saglit tapos maya-maya ay magsusulat naman. Ano’ng ginagawa niya? Nag-aaral? Napakasipag naman. Tatlong linggo pa bago ang simula ng pasukan pero ngayon pa lang ay nagsusunog na siya ng kilay. Hiyang-hiya ako.
Naka-plain white siyang damit at pulang shorts. Napakakinis din ng balat dinaig pa ako, ha! Parang binabalot siya ng liwanag dahil sa kaputian ng kaniyang balat. Guwapo rin siya tingnan dahil sa suot niyang salamin, bagay na bagay. Boy-next-door ang datingan.
Lumingon siya bigla sa gawi ko kaya nataranta ako. Napasubo ako at bigla ring napadaing dahil ang init pa ng sabaw. Peste! Bigla-bigla kasing lumilingon, eh!
“Is that your lunch?”
“Ay, gago!” gulat na sigaw ko nang bigla itong magsalita sa tabi.
Hindi ako magkandaugaga sa pagsalin ng tubig sa baso. Nakalabas pa ang dila ko dahil sa hapdi na nararamdaman ko. Nang makainom ay sinamaan ko siya ng tingin. He just shrugged his shoulders, kumuha rin siya ng baso at nagsalin ng tubig.
Pagkuwan ay muli siyang nagsalita. “That—”
“Ano?” inis na pagputol ko. Ramdam pa rin ang hapdi ng dila ko.
“—isn't healthy,” malamig na tugon nito saka nag-iwas ng tingin.
Napatingin ako sa cup noodles sa harap, paasik na bumaling ulit sa kanya. “Oh tapos?” mataray kong sagot. Handa aong ipaglaban ang pagkaing bumuhay sa akin ng ilang buwan.
Bumalik ang tingin niya sa ʼkin, nakatitig siya na para bang sinusuri ang kabuuhan ng aking mukha. Pandaliang dumaan ang hiya sa sistema ko nang mapagtanto ko kung gaʼno siya kaguwapo.
If being handsome is illegal, then he should've been in jail already. Nakakaloka.
Nang hindi ko na nakayanan ang titig niya ay nagbaba na ako ng tingin, bumalik na lang ako sa pagkain kahit na para na akong hihikain sa kaba.
“I’m Kio.”
“Huh?”
“Let's start with the usual introduce yourself,” sambit niya matapos uminom ng tubig. “My name is Kio.”
Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad, dahan-dahan ko ʼyong tinanggap. Bahagya akong napapiksi nang maramdaman ang tila bai sang kuryente na dumaloy sa aking Sistema nang magdikit ang aming balat.
“F-Fely na lang.”
“Nice to meet you... Fely.”
At isang napakagandang ngiti ang binigay niya bago tumalikod.
F*ck.
Bakit ba kasi ang guwapo niya?
Napahawak ako sa dibdib kong kay bilis ng t***k. Hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang t***k nito na para bang gusto nang lumabas sa katawan ko. Ngayon pa lang ay hinihiling ko na sana ay walang jowa ang isang ʼto.
Nabatukan ko ang aking sarili. Hindi maaari. Never kong magugustuhan ang antipatikong pogi na ʼyon.akausap.
A knock on the door followed by another one made me jolt. Wala namang ibang kakatok ng ganitong oras dito sa kuwarto, isang tao lang ʼyon.
“Fely? Can we talk?”