4: Hot Tubero!

1524 Words
FELY'S POV Isang linggo. Isang linggo na rin ang nakalipas magmula nang mag-introduce yourself kami ni Kio. Naging mailap ako sa kaniya nitong mga nakaraan. Pakiramdam ko ay may kung anong lalabas sa loob ko tuwing makikita ko siya. Kaya napagdesisyunan kong makipagkita sa dalawang kaibigan ko. At ngayon pa lang ay nagsisisi na akong ginawa ko iyon. “Tara, girl! Punta na tayo sa new house mo!” pag-aya sa ʼkin ni Hannie, nakapulupot pa ang kamay niya sa braso ko, “I am so excited!” Lintek na kulit! Kanina pa ako gumagawa ng kung anong palusot pero wengya! Nagpupumilit pa rin sila na pumunta roon. Maisip ko pa nga lang na may kasama akong lalaki sa iisang bahay ay para na akong lulubog sa lupa. Ano pa kaya kapag nakita at nalaman na nila ang tungkol doʼn? “Next time na lang, ha?” sabi ko at tinanggal ang kaniyang braso. “Makalat pa, eh. Kailangan ko pang maglinis.” “We will help you nga, ʼdi ba? Duh?” mataray na tugon naman ni Summer, nakataas pa ang kilay nito na tila ba nagsisimula nang magduda sa ikinikilos ko. Kasalukuyan kaming naglilibot sa mall para mamili na rin ng mga gagamitin para sa pasukan. Dumaan kami sa cosmetic shops, parlor, at store ng mga branded na damit. Iyong planong pamimili ng school supplies ay nadagdagan ng mga damit at make-up. Hannie and Summer are both from elite families. Mayroong sariling negosyo ang kanilang pamilya, that in time ay lumago kaya naisama sila sa listahan ng Richest Families in the Country. They’re my childhood friends. Bata pa lamang ay nagkakilala na kaming tatlo dahil sa mga magulang namin. Ang mga tatay namin ay magkakaibigan din noong university days nila. Kung gaano sila kalapit noong kapanahunan nila ay gano’n din kaming tatlo nina Hannie at Summer ngayon. No secrets allowed sa grupo namin. Bagay na nilalabag ko ngayon. “Where’s the exact location?” tanong ni Hannie habang nagsusuot ng seatbelt. Nilagay niya na rin ang cellphone sa harap at binuksan ang gps tracking. Lulan kami ng sasakyan niya ngayon, iyon ang napagpasyahang gamitin dahil tinatamad si Summer magdrive. Habang ako ay naiwan pa rin sa bahay ang kotse, wala pa akong oras para kunin iyon doon. Nag-taxi na lang ako kanina hanggang sa convenient store na medyo malayo sa tinitirhan ko ngayon bago magpasundo sa kanila, para na rin hindi nila maisipang pumasok sa loob. Which is useless naman dahil doon din naman kami papunta ngayon. F*ck! “Felicidad!” Nabalik ako sa wisyo nang isigaw ni Summer ng buo ang first name ko. Agad na sinamaan ko siya ng tingin saka tinaasan ng kilay. “What? You're spacing out!” naiinis na tugon nito. “We've been asking you kung saan ang bagong bahay mo!” Paglingon ko kay Hannie ay gano’n din ang itsura niya. Nakataas ang kilay habang nakahalukipkip. “Ako na maglalagay,” pagsuko ko at napipilitang nilagay ang address sa cellphone niya. Hindi ako mapakali sa upuan habang nasa daan kami pauwi sa bahay. Kung saan-saan na ako bumabaling pero mas lalo lang tumitindi ang kaba ko. Napapansin na rin yata nila ang pagkabalisa ko dahil maya’t maya sila tumingin sa akin. Wala naman siguro si Kio sa bahay ngayon, ʼno? Ilang minuto rin bago kami makarating. Nauna na akong lumabas sa sasakyan at pumasok sa loob. Mabilis kong binuksan ang gate at dumiretso sa loob pero kinginang tibay ng dalawa dahil nakahabol sila sa ʼkin! Umakto akong normal kahit na naghuhuramintado na sa kaba ang puso ko. “Wow,” namamanghang ani ni Hannie habang nakatingin sa gawi ng garden, pati si Summer ay napatango rin. “What a nice garden you have there!” natutuwang sabi nito. Ngumiti ako ng pilit, palingon-lingon sa pinto at bintana ng bahay habang umaasa na walang anino ni Kio sa loob. Nang masigurong wala siya ay saka lang ako nagsalita. “A-Ah oo, kumuha ng tagapangalaga ʼyong nagbenta ng bahay.” “I see,” tumatangong tugon nito saka nanguna nang maglakad. “Tara, let's go inside na.” Matapos kong i-unlock ang main door ay mabilis ko silang inunahan para tingnan kung may tao ba sa loob. Malinis at tahimik naman. Napahinga ako nang maluwag nang masigurong wala talaga ito. Buti naman at wala. “Tara, pasok kayo,” nakangiting pag-imbita ko sa kanila. Palinga-linga sila sa paligid na animo’y sinusuri ang bawat sulok ng bahay. Si Hannie ay dumiretso sa kitchen habang si Summer naman ay pumunta sa sala at sumilip sa bintana. She’s checking the displayed bonsai on the windows, kahit ʼyong nasa shelf ay tiningnan niya rin. “This is a nice house, huh?” she said as she sat down the couch. Naupo rin ako sa tabi nito, sinandal ang ulo at itinaas ang paa. Nakakapagod pala kapag may tinatago. “Sobrang laki nga para sa isang tao, eh,” komento ko habang nakapikit. “Nah, it's okay naman, ah. Once you have your own family then you can live here na.” Napaismid ako. Family? After ten years pa siguro ʼyan. Wala pa sa plano ko ang pagbuo ng sariling pamilya. Hindi ko sinasabing ayoko, sadyang hindi ko lang priority ang bagay na ʼyon. Ang dami ko pang gustong gawin, ang dami ko pang pangarap para sa sarili. Hindi pa ako handa sa gano’n lalo na at wala pa akong napapatunayan sa sarili ko. “Let’s check your room?” magiliw na wika ni Summer sabay tayo.. Isang tango at ngiti lang ang sagot ko at nauna na sa kaniya. Dinaanan muna namin si Hannie sa kitchen pero agad akong natigil sa paglalakad nang wala ito sa dati niyang kinaroroonan. Sumibol ang lamig at takot sa akin nang hindi namin siya mahagilap. Wala siya sa kitchen o kahit saan dito sa first floor. Bumaling ang tingin ko sa hagdan, mabilis ko iyong inakyat habang si Summer naman ay humabol din sa ʼakin, mukhang naguguluhan sa kinikilos ko. Pakshet talaga kapag nakita niya si Kio! “Hannie!” malakas na sigaw ko pagdating sa second floor. Napahinga ako ng maluwag nang makita itong nagtitingin ng paintings na nasa pader. “What? Kung makasigaw naman ʼto, oh.” Halata ang pagkagulat sa kaniya dahil napahawak pa siya sa kaniyang dibdib. “Alam mo, ikaw, kanina ka pa parang tanga,” nakapameywang na sabi ni Summer. Binigyan niya ako ng nagdududang tingin at saka tinaasan ng kilay. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sa talas ba naman ng pakiramdam ng isang ʼto, hindi matatapos ang araw na hindi niya malalaman kung ano itong itinatago ko. Sa aming tatlo, si Summer ang pinakaseryoso at mahirap hulaan kung ano ang nasa isip. She’s a keen observer. Tatahimik lang ʼyan sa isang tabi pero ang mata at pandinig niyan ay nasa paligid. Iyong tipong akala mo ay hindi siya nakikinig, pero malalaman mo na lang na alam niya lahat ng pinag-uusapan niyo. She’s always like that. And with her look right now, mukhang kailangan ko ng mas matibay na palusot. “H-Ha? Ano bang sinasabi mo?” inosenteng tanong ko. “She's right, Fely. You've been acting weird today,” paggatong ni Hannie. “Are you hiding something from us?” Tumawa ako at umiling. “Wala! Ano ba ʼyang sinasabi niyo?” pagmamang-maangan ko. Pucha, ang puso ko! Pangiti-ngiti lang ako pero kingina, konti na lang ay gusto ko nang magpalamon sa lupa! “Tara na lang sa kuwarto,” kinakabahang sabi ko at iniwan ko na sila. Mabilis kong binuksan ang pintong nasa harap lang namin. Sinenyasan ko silang pumasok sa loob while my arms are stretched like I am welcoming them. Dalawang hakbang na lang sana para tuluyan silang makapasok nang biglang bumukas ang pinto ng katabing kuwarto. Nabigla kaming lahat, lalo na ako, dahil sa ingay na ginawa nito. Isang tili ang pinakawalan ni Hannie na animo’y isa siya sa mga cast ng isang horror movie, napakapit pa silang dalawa sa ʼkin at bakas ang takot sa mga mukha. Mahina akong napamura. Mariin akong napapikit nang tuluyan nang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki na walang damit pang-itaas. Si Kio. “What the hell is going on?” Nakakunot ang noo nito, may suot sna eyeglasses at may hawak na libro. Napatigil din naman agad ito nang makita kaming tatlo. “Oh, nevermind,” aniya at saka pumasok sa loob na parang walang nangyari. Nang kami na lang ang naiwan sa pasilyo ay para akong gigilitan ng dalawa dahil sa matatalim at naniningkit nitong tingin. Nahigit ko ang aking hininga at halos tumimbawag sa sahig dahil sa tingin nila sa akin. “A-Ah—” Tumawa ako ng pilit habang kumakamot sa ulo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. “N-Nandito pala ʼyong kinuha kong tubero?” Wala na. Patay. Sana lang ay hindi ʼto makaabot kina daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD