5: Doubts

1195 Words
FELY'S POV “Explain,” naniningkit ang matang sambit nila. Napalunok ako. . . Katahimikan ang bumalot sa amin nang makapasok kami sa loob ng aking kuwarto. Hindi ko malaman kung saan magsisimula at kung paano ipapaliwanag ang bagay na ito. I mean, kahit ako ay hindi pa rin lubos na maintindihan ang nangyari. Naupo silang dalawa sa kama habang ang mga tingin ay nasa akin, sinusundan lahat ng galaw ko na para bang hinihintay akong magsalita. Hindi ako magkandaugaga sa pag-ayos ng kung ano rito sa kuwarto. Inaayos ko ʼyong mga libro sa bookshelves kahit na wala namang dapat ayusin. Habang lumalamig ang paligid ay lalo ring lumalamig ang tingin nila sa akin. “Felicidad.” Tinig ni Summer ang pumukaw sa akin dahilan para mapalingon ako sa kanila na ngayon ay nakahalukipkip at naka-de quatro pa ang upo. “What—” Magsasalita pa sana siya nang maunahan siya ni Hannie. “Girl!” impit ang tili nitong sabi. “Saan mo nakuha ʼyong tubero mo? May gano’n pala kaguwapong tubero? Mygosh!” Napatawa na lang ako dahil mukhang hindi pa nakukuha ni Hannie kung ano ang nangyayari. Wala nang mas slow pa sa babaeng ito. Kahit yata sabihin ko ngayong buntis ako ay maniniwala agad ʼto. Kumikinang pa ang mga mata nito na parang nagde-daydream. Nawala lang ʼyong ngiti sa labi ko nang hampasin ito ni Summer ng hawak niyang sling bag. Napahawak agad ito sa brasong tinamaan. “Really, Hannie?!” inis na sigaw ni Summer. Binigyan lang siya nito nang nagtatanong na tingin. Muntik na akong mapatawa ng malakas pero pinigilan ko, may malapit pa naman na lampshade kay Summer. Baka bigla iyong lumipad papunta sa ʼkin! “Tubero na nakahubad?! Tuberong may hawak na libro? At tubero na galing sa kuwarto?!” Napapikit na lang ako sa hiya nang ma-realize ko kung ano’ng sinasabi niya. Oo nga naman, bakit ba kasi tubero ang sinabi ko? Napamaang si Hannie dahil sa sinabi ni Summer, maya-maya pa ay biglang nanlaki ang mga mata nito at napahawak sa bibig. “Omg!” Nlalaki ang matang tiningnan niya ako. “I-Is that—is that a stripper?” Nakatanggap siya ng isang pangmalakasang sabunot mula kay Summer. Napabuntonghininga na lang ako saka tumingin sa ibang gawi. Geh, balakayojan magbugbugan. Ngayon pa lang ay masasabi ko nang hindi magiging madali ang pagtira ko sa bahay na ito kasama ang lalaking ʼyon. Maraming adjustments na kailangang gawin. Sa halip na magkaroon ng sariling kalayaan, sa tingin ko ay mas lalo lang akong mahihirapan. We need to respect each other’s privacy. There should be a line or a limit sa lahat ng gagawin namin. At isa pang ikinakatakot ko ay kapag nalaman ni daddy ang tungkol dito. Ang buong akala nila ay maayos akong nakakuha ng magandang lilipatan. Pera pa naman nila ang ginamit dito, tapos ganito pa ang mangyayari. Malaki ang posibilidad na madawit si Kio dahil sa pinsan niya, hindi malabong iisipin nila na magkasabwat lang ang mga ito. Kaya as much as possible, gusto kong makausap si Harold. Kasi lintek lang ang walang ganti! Kukutusan ko talaga ang hayop na ʼyon! “Fely,” pagtawag sa akin ni Summer. “Paki-explain na bilis, para naman mahimasmasan ang gagang ʼto!” inis na tugon nito na ang tinutukoy ay si Hannie. Nang bumalik ang tingin ko sa dalawa ay hindi ko malaman kung matatawa ba ako o ano dahil sa kanilang itsura. Gulo-gulo ang buhok at pati na ang damit, pati higaan ko ay parang dinaanan ng bagyo! Parehong nakabusangot ang mukha ng mga ito. Pinili ko na lang na manahimik. Ayokong madamay, please lang! “Mahabang kwento, eh,” tipid na sagot ko saka naupo sa couch. At syempre, hindi sila papayag na wala mang mahitang chismis mula sa akin. “Then make it short!” Napabuga ako ng hangin. “Na-scam ako,” mahinang sabi ko. “WHAT?!” “You mean, scammer ang lalaking iyon?!” gulat din na sigaw ni Hannie n amabilis na pinutol ni Hannie sabay siko sa kaniyang tagiliran. “Will you shut up?! Let her talk!” Mabilis akong nagsalita nang maalala kong nasa kabilang kuwarto lang pala si Kio. “Hinaan niyo ang mga boses niyo! Nasa kabilang kuwarto lang siya, oh!” At tinuro ko pa ʼyong pader na namamagitan sa amin. Tahimik lang silang nakinig nang magsimula akong magkuwento. Magmula sa paghahanap ko ng house and lot for sale at kung saan ko nakilala si Harold. Naalala ko na sa isang coffee shop ko siya nakilala. Abala ako no’n sa pagtipa sa laptop para mag-search ng mga malapit na bahay na puwedeng bilhin. Nagkalat pa ang notepad at ballpen ko noon sa lamesa dahil magdamag akong nasa shop. Wala akong mahanap that time. Mayro’n naman sana, pero malayo o kaya ay hindi ibibigay ang titulo ng bahay. Hanggang sa lumapit siya sa ʼkin at nagtanong kung ano ang problema, marahil ay nakita akong stressed sa mga oras na iyon. Natulala pa ako no’ng unang tingin ko sa kaniya dahil napakaguwapo ni Harold. Pero nang dumaan ang hiya sa ʼkin ay saka lang ako nagsalita, I told him that I needed to find a new house. Doon niya sinabi na may binibenta siyang bahay. That was the day na na-scam ako ng kinginang ʼyon! “So, pareho lang kayong biktima ni Harold?” tanong ni Summer matapos kong magpaliwanag. “Oo, parang gano’n na nga.” Bumalik muli sa alaala ko iyong unang pagkikita namin ni Kio. His well-toned body and alluring gray eyes. His husky voice and seductive killer smile. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako. Nabalik lamang ako sa huwisyo nang may tumamang unan sa mukha ko! “Tangina!” gulat na sigaw ko at marahas na inalis ang unan. “Naniwala ka naman agad sa kanya?” hindi makapaniwalang tanong nito dahilan para matigilan ako. May kung anong lamig ang dumaan sa sistema ko dahil sa sinabi niyang iyon. Parang tinambol ang puso ko dahil sa biglaang pagbilis ng t***k nito. Ano’ng ibig niyang sabihin? “What if magkasabwat talaga silang dalawa?” masungit na tanong ulit nito. At dahil sa sinabi niyang iyon ay mas lalo akong naguluhan. Paano nga ba kung magkasabwat silang dalawa? Paano kung niloloko lang ulit nila ako katulad ng ginawa ng pinsan niya? I was confused and worried. I am torn between trusting his words and telling my dad or someone that could really help me. Napako ang tingin ko sa pader na namamagitan sa kuwarto namin ni Kio. Nakauwi na sina Hannie pero hindi pa rin ako mapakali rito sa loob ng kuwarto. Kanina pa ako palakad-lakad at maya't mayang ida-dial ang iniwang number ni Harold. Kahit na malabong sagutin niya iyon ay umaasa pa rin ako. Kailangan ko siyang makausap. A knock on the door followed by another one made me jolt. Wala namang ibang kakatok ng ganitong oras dito sa kuwarto, isang tao lang ʼyon. “Fely? Can we talk?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD