6: Short Talk

1370 Words
FELY'S POV “Fely, can we talk?” Napatitig ako saglit sa pinto bago mabilis na lumundag sa kama at nagtalukbong ng kumot. Para akong isang bata na natatakot sa monster na nasa labas ng pinto. Putek. Bakit? Ano ba ang pag-uusapan namin? Paulit-ulit sa isip ko ʼyong tanong ni Summer. Kung kasabwat ba talaga si Kio ay hindi ko alam. Hindi ko na alam! Nabura iyong imaheng nabuo sa utak ko dahil doon. Paano kung masamang tao talaga siya? “Fely?” aniya at kumatok ulit sa pinto. “Are you awake?” Napatampal ako sa noo nang may ma-realize ako bigla. Bakit nga ba ako nagtatago? Mukhang kailangan nga naming mag-usap. Hindi ako malilinawan hangga’t hindi kami nakakapag-usap na dalawa. Ito na ang pagkakataon para gawin ʼyon. Dali-dali akong bumangon at naglakad papuntang pinto. Marahan ko iyong binuksan at bumungad sa akin si Kio na mukhang paalis na. Mabilis siyang lumingon sa akin. “Ano’ng pag-uusapan natin?” matapang kong tanong na animo’y naghahanap ng away. Aba’y kailangan! “About this house,” seryosong ani nito habang magkasalubong ang kilay. “And about that dumbass Harold.” Muntik na akong mangisay dahil napaka-hot niyang pakinggan kapag nagmumura. Mabilis akong napailing para alisin iyong makasalanan niyang kaguwapuhan na muntik nang sumira sa binubuo kong katapangan. Hindi ito ang tamang oras para lumandi. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad habang nakasunod ako sa kanyang likod. Iniisip ko kung ano ang pinakamabuting gawin dito sa nangyari sa amin. Dapat na ba kaming humingi ng tulong sa otoridad o kahit sa tao man lang na makakatulong sa ʼmin? Pero naisip ko, pinsan niya pa rin si Harold at hindi yata siya gagawa ng hakbang na maaaring makasira sa pangalan nila. Lalo na’t mukhang nagmula rin sila sa mayamang angkan base sa itsura at pananalita ng mga ito, lalo na si Kio. Englishero, eh. “This house was a gift from our grandmother who passed away recently,” seryosong sabi niya nang makarating kami sa dining area. Naging malungkot at maamo bigla ang mukha nito nang mabanggit kaniyang lola. May kung anong tumusok sa puso ko nang masilayan ko ang ibang side ng pagkatao ni Kio. I met him as the cold and rude guy, but seeing him right now being all gloomy at the mention of his grandmother, made me think twice. “Harold and I were her favorites, one of the reason why our family members started a petty argument about inheritance,” he said, jaw and fist were both clenched. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, o kung dapat ba akong magsalita o manahimik na lang. Mayroong parte sa puso ko na gustong-gusto siyang makilala. Hindi lamang ang pangalan, kundi ang buong siya. “That’s why I had no idea what made that scumbag do this,” inis na tugon nito. “Knowing that this house is a very important and sentimental gift from granny.” Alam ko. Nararamdaman ko kung gaano ka-importante ang bahay na ito para sa kaniya. Pero bakit niya sinasabi ang lahat ng ito sa ʼkin? “B-Bakit sinasabi mo ʼto sa ʼkin ngayon?” nagtatakang tanong ko. Tumingin siya saglit sa mga mata ko bago nag-iwas ng tingin. “I was able to talk to Harold last night.” Mabilis akong napatayo at nahampas pa ang lamesa sa sobrang gulat. “Ano?! Ano’ng sabi ng kinginang ʼyon?!” “He told me to trust him.” Pakiwari ko ay pati siya hindi alam kung ano’ng tinutukoy ng kaniyang pinsan. “Trust him? Na-scam na nga ako tapos trust him?!” nanlalaki ang mata at galit na sigaw ko. Petengene yan. Trust him pa ang nais. So, ano, gagawin niya ulit akong tanga?! Ibalik niya sa akin ang pera! “Calm down, woman.” He chuckled dahilan para mapaawang ang labi ko. Nagbago ulit ang ekspresyon ng mukha niya at bumalik ulit sa pagiging seryoso. “He said he'll be going home after 45 days, and that we should have realized something when he gets back.” Napakunot ang noo ko. “Ano?” “Sabi niya dapat daw may narealize na tayo sa sarili natin pagbalik niya.” Literal na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko siyang magsalita ng tagalog. Mahabagin! May ipopogi pa pala ang isang ʼto?! Ang hot ng boses niya! Iyong baritono at husky na tinig na kikiliti sa ʼyo tuwing magsasalita siya. Idagdag mo pa ang ngisi sa labi niya na parang ang sarap halikan! Napahawak ako sa dibdib ko at bahagyang tumawa, pilit na itinatago ang pusong umiinit dahil sa kanya. “A-Alam ko, tinagalog mo lang, eh,” pilit ang tawa na sabi ko. Tumango lang siya. Bakas ang pagkamangha sa itsura at hindi ko alam kung bakit. Diyos ko! Alam niya bang konting kibot na lang ay malapit na akong mangisay dito?! “P-Pero ano ba ang sinasabi niya na dapat nating ma-realize?” He smirked. “I don't know. Let's just find out.” Napamaang ako. Ako ba, eh, niloloko nito? Tumayo na siya at nagsimulang maglakad pero agad ring huminto nang tumapat siya sa ʼkin. Nagtatakang tiningnan ko lang siya habang nakataas ang kilay. Anong drama naman nito? “ubero, huh?” Nakangisi nitong sabi at saka lumayas sa harap ko. Anak ng! Narinig niya ʼyon?! ** ‘What did he say?” tanong ni Summer mula sa screen ng laptop ko. Tinawagan ko si Hannie at Summer pagkabalik ko sa kuwarto, video call kami ngayon para mas madali magkaintindihan. Mabuti na lang talaga at malakas ang internet connection dito. “Babalik daw si Harold after 45 days,” sabi ko. “At dapat daw pagbalik niya ay may narealize na kaming dalawa ni Kio.” “What? Ano naman ang mare-realize niyo?” gulat na tanong ni Hannie, kumakain siya ngayon ng ice cream at nakasuot pa ng pink bunny pajamas. “Hindi ko rin alam, eh,” naguguluhang tugon ko. Ano ba naman kasing utak ang mayro’n ang Harold na ʼyon? Ano’ng akala niya sa ʼmin, laruan para gaguhin ng ganito? Sa totoo lang ay naiinis na ako. Guwapo nga pero sinto-sinto naman. Kung puwede lang lumipad papunta sa kinaroroonan niya ay ginawa ko na, isang sapak lang! “I think he's up to something.” Nanliliit ang mata at nakahawak pa sa baba si Summer. He's up to something? Lumipas ang araw at malapit na kaming bumalik sa University. I made sure everything is ready. Naplantsa ko na ang uniform ko at mga damit na balak kong gamitin tuwing wash day. Bag, notebooks, books, and other important needs are all set. Nagtataka pa rin ako kung anong year na ba si Kio at kung anong course ang kinuha niya. Nag-aaral pa nga ba siya? Hindi ko alam. Wala pa akong alam na kahit ano tungkol sa kaniya maliban sa kaniyang pangalan. At hindi pa ako sigurado kung iyon ng aba talaga ang totoong pangalan niya. Naabutan ko siya no’ng isang gabi na naka-semi formal attire. Hindi ko tinanong kung saan siya pupunta dahil sino ba naman ako? Mukhang may pupuntahan siyang gathering o date kaya gano’n ang itsura, Naging curious tuloy ako tungkol sa kaniya. Sino ba kasi si Kio? Napalingon ako sa labas ng bintana nang biglang tumunog ang doorbell. Nasa sala ako ngayon, nanunuod ng movie. Habang si Kio ay hindi ko pa nakikitang lumabas ng kaniyang silid. Kahit kagabi ay hindi siya lumabas. Pinatong ko muna sa mesa ʼyong kinakain ko bago tumayo para pagbuksan ang kung sino man na tao sa labas. Ala-una pa lang naman sa hapon, baka delivery lang ʼto? “I miss you, bro!” Kingina! Nanlaki ang mata ko sa gulat nang may yumakap sa aking lalaki! Panandalian akong natigilan at napalingon sa isa pang lalaki na kasama nito. Kahit siya ay nagulat pagkakita sa akin. Mabilis kong tinanggal ang pagkakayakap ng hayop na ito at pinilipit ang kamay hanggang sa mapadaing ito sa sakit at napaluhod. “Sino kayo?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD