SUMAPIT ang Biyernes ay maagang pumunta ng BSU sina Shanstar at Andi dahil naroroon ang bus na sasakyan nila papunta sa Buhaynasapa Elementary School sa San Juan, Batangas. Isa-isa muna silang tinatawag for attendance bago sila sumakay ng bus. Sa may gitnang bahagi sila umupo na dalawa. “Oh my gosh! Totoo ba itong nakikita ko, Besie? Pati ba naman sa Camping kasama pa rin siya?” wika ni Shanstar habang nakatingin sa harapan ng bus kung saan sabay na pumasok sina Phil at Samantha. “Dito na lang tayo, Phil,” sambit nito saka unang umupo sa tabi ng bintana. Napahinto naman sandali si Phil nang makita sila nito na nasa likuran ng inuupuan nila. Umiwas naman ng tingin si Andi at nagkunwari na lang na matutulog kaya umupo na rin si Phil. “Kaloka! Alam namang medyo liblib ang lugar ng eskwel

