“HEY, PHIL!” Nagulat na lang si Andi nang bigla na lang may babaeng umabresyete kay Phil habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang momento. Napaatras tuloy siya ng kaunti palayo sa binata. “Sam!” anito saka niyakap ang dalaga na halos iangat pa nito ang katawan mula sa lupa. “Kailan ka pa dumating?” nangiting tanong pa ng binata pagkababa nito sa babae. Ngumiti ang babae. “Kaninang madaling-araw lang.” “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nasundo sana kita sa Airport.” Pinisil nito ang kanang pisngi ng binata. “Ayaw kasi kita istorbohin at saka gusto kita i-surprise kaya hindi ako nagsabi.” Nagsalubong ang kilay niya. Sino ba ang babaeng ito na parang kabote na bigla-bigla na lang susulpot? Gaano ba kilala ng mga ito ang isa’t para umakto ng ganoon sa harapan niya? Hindi niya gusto ang

