"KAMUSTA siya? Ano'ng sabi ng doktor?" bungad ni Chester kay Shanstar nang makalabas na ito mula sa private room na pinaglagyan kay Andi. Nasa loob na kasi ang pamilya nito. Nalaman niya mula kay Shanstar na kinulong pala ito sa CR kaya hindi agad nakabalik sa tagpuan nila ni Andi. Mabuti na lang at nasira nito ang kahoy na pinangharang sa lock ng pinto. Nagulat na lang ito ng bitbit na niya si Andi. Sakto kasing bubuhatin niya si Andi kanina nang makalabas at makalapit ito sa kaniya kasabay ng mga kaibigan niyang naghanap sa kaniya dahil bigla na lang daw siyang nawala sa tabi ng mga ito. "Okay naman na raw siya, wala namang internal bleeding na nangyari." Sagot nito nang makaupo na ito sa tabi niya. "Medyo nahirapan lang ang mga nurse at doktor na linisan siya kanina dahil sa pintur

