HALOS hindi na niya makita ang dinaraanan dahil sa mga luha niyang nagmamalisbis. Hinanap niya ito sa kung saan niya ito pwedeng makita sa campus pero kahit anino nito hindi pa rin niya makita. Hanggang sa dinala siya ng kaniyang mga paa sa lugar kung saan palagi nilang tinatambayan kapag gusto nilang magsolo, sa century tree, sa likod na bahagi ng Gymnasium. At hindi nga siya nagkamali, nakaupo ito doon sa ilalim ng punong iyon habang nakatingin sa cellphone nito na para bang gusto na nitong itapon anumang oras dahil sa higpit ng hawak nito. Siguro kung walang mga kumalat na pictures nila ni Samantha ay tatakbuhin niya ito para yakapin at pupugpugin ng halik sa pagkamiss niya rito. Hindi rin niya alam kung maaawa siya o hindi dahil pumayat ito sa itsura nito ngayon. Malalaki at maiitim

