After four years. . . NAGANAP nga ang ipinangako ni Philmar kay Andi na kasal pagka-graduate niya. Hindi akalain ni Andi na makikita niya ngayon ang dream wedding niya. Iyong sunset beach wedding. Iyon bang ise-seal nila ng halik ang kasal nila kasabay ng paglubog ng araw. Tapos ang design ng wedding simple lang, iyong may mga surfboard design sa gilid. Nakapang-hawaiian dress lahat ng mga bisita habang ganito lang din kasimple sa suot niya, ang suot nilang dalawa. Naramdaman niyang hinawakan ni Philmar ang kamay niya kaya hinarap niya ito. "Are you ready, love?" nakangiting tanong nito sa kaniya kaya naman hinigpitan nito ang pagkakakapit sa kamay nito. Hinawakan naman siya ng isang kamay nito sa pisngi sa ilalim ng belo niya para malaya nitong maramdaman ang pisngi niya. "Your so bea

