"KUNG ganoon hindi pa pala nila sinasabi sa 'yo?" Nadagdagan naman ang pagtataka niya sa sunod nitong sinabi. "Ha?" Tanging nasambit niya. "Iyong board na pinadala ko sa 'yo noong birthday mo. Iyong board na mismong ginamit mo sa huling laban mo." Nanlaki ang mga mata niyang tumingin dito habang nakatingin lang ito sa kaniya ng mataman. "S-sa 'yo galing 'yon? P-pero sa pagkakatanda ko kasi from unknown sender 'yon maliban lang sa 'L' na nakasulat sa papel." Wala naman kasing 'L' sa pangalan nito maliban lang sa first name niyang Philmar. Hindi rin naman kasi nagsisimula sa 'L'ang pangalan nito. "Ilang buwan lang tayo hindi nagsama nawala na agad sa isip mo ang endearment natin?" Nasapok niya tuloy ito nang tuluyang magsink-in sa kaniya ang 'L' na iyon na kinayuko nito sandali. "Ara

