WAVE NINETEEN

2004 Words

PAGMULAT ng mga mata ni Andi ay apat na sulok ng isang kwartong kulay puti ang bumungad sa kaniya. Pumikit siya saka pinakiramdaman ang sarili at pilit na inaalala ang buong pangyayari kung bakit siya nasa ospital ngayon. Ang huli lang niyang naaalala ay iyong paligsahan sa kanilang eskwelahan. "Salamat sa Diyos at gising ka na, kumusta ang pakiramdam mo, anak?" bungad na tanong sa kaniya ng kaniyang ina na halata sa mukha na may bahid itong kalungkutan. Mamula-mula rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. "A-anak, patawarin mo ako, hindi dapat 'to nangyayari sa 'yo," sabat naman ng kaniyang ama na tulad ng ina ay may bahid din ng kalungkutan sa mukha. Nag-iiyakan na ang mga ito ngayon sa kaniyang harapan na animoy nasa loob na siya ng kabaong. Nagtataka siya sa ik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD