"WOW!" tanging nasambit ng mga nakapaligid sa kaniya maliban sa magulang at mga kapatid niya nang makita ang nilalaman ng puting papel at muling tinapunan ng tingin ang board. "I-iyan na yata ang pinakaastig at pinaka-cool na board na nakita ko buong buhay ko," manghang sambit ni Ian na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita tulad ng karamihan sa kanila. Iba kasi talaga ito sa lahat ng board na nakita nila dahil ito ang board na natatanging may tali na maliit sa bandang itaas nito kung saan ang patulis na bahagi ng board. Na ang maliit na lubid sa bandang itaas nito ay hindi nangangahulugan na pang display o pangsabit sa dingding kundi sinadya iyon para maging hawakan ng serperong gagamit n‘yon. At akmang-akma iyon kay Andi dahil ang babaeng nakadrawing sa puting papel na wala ring kan

