bc

Biringan City: The Lost City Of Samar

book_age16+
222
FOLLOW
1K
READ
dark
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
heavy
lighthearted
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

Ang Biringan City ay isa sa sikat na urban legend dito sa Pilipinas. Marami ang usap-usapan sa kwentong kaakibat ng lugar na ito dahil naipalabas na din ito sa iba't ibang tv show like KMJS.

Ano nga ba ang mayroon sa lugar na ito? Isa sa naging tanong ni Caralina Montejos dahilan para maging interesado siyang mapatunayan ito at hindi naging batid sa kanya na ito ang isa sa makakapagpanago ng buhay niya at mag lalantad ng tunay niyang pagkatao.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Okay class see you next year." Huling salitang binitawan ng aming professor bago tuluyang naghiyawan ang buong klase.  Christmas break at isang panibagong taon na naman ang lilipas. "So...saan mo naman balak ngayon?" Napabuntong hininga pa ako bago tumingin sa gawing kanan kung saan nakaupo ang kaibigan kong si Shaira. "Samar." Tamad kong sagot dito na sinabayan nang pagsandal ko sa upuan. "Samar? Last time may nabasa ako sa spookify about lost city of Samar. Biringan City ata?" Kunot noo nitong saad na tila hindi sigurado sa kaniyang sinasabi. Hindi ko alam kung anong malamig na hangin ang dumampi sa mukha ko, nang mga sandaling marinig ko ang mga bagay na iyon.  Hindi naman ako ganoon kahilig sa mga ganiyang kwento, pero parang may kakaiba sa lugar na ito na kahit ang natutulog na blood cells ko ay nagising. "Sa-" Hindi na ako natapos sa dapat kong sabihin, nang biglang may kumatok sa pinto. Sabay pa kaming napatingin dito kasabay ang iilang mga classmates namin na naiwan. "Andiyan na pala ang sundo ko, kwentuhan mo na lang ako kapag balik mo." Sabay yakap niya sa akin at nagmadali nang lumabas. Sinundo na ng jowa e. Naiwan naman ako kasama ang mga nasa limang kaklase ko. Hindi pa rin kasi sila umuuwi. Sumilip ako sa bintana at inilibot ang paningin sa labas. 6:30 pm pa lang pero madilim na ang langit, dahil siguro sa masamang panahon. "Sumama ka na sa walwalan Caralina, hindi ka na makakag-party pagpunta mo ng Samar." Bahagya akong natawa matapos itong marinig. "Tatas Bar tayo." Udyok pa ni Leslie na may mala-demonyong ngiti. "Sorry guys. Pero ba-byahe ako bukas. Ayoko naman na masuka sa byahe." Natatawang saad ko dito. Tumayo na rin ako at humakbang na palabas. Narinig ko pa ang hiyawan ng lahat, pero hindi ko na tinapunan pa ng pansin. Hindi ganoon kalayo ang bahay sa school, 10 minutes lang ang inaabot ko kapag sobrang bagal kong maglakad. Nang makauwi na ako sa bahay wala pa ang mga magulang ko, mukhang overtime na naman sa work. Matapos kong maisara ang pinto ay agad akong dumiretsyo sa kwarto at inihagis ang bag sa kung saan. Padabog na dumapa sa kama, umikot pa ako para umayos ng higa.  Dating gawi, hawak ang cellphone at nag-scroll nang nag-scroll sa f*******:, para magbasa ng mga walang kwentang meme ng mga friends ko. Hanggang sa bumungad sa akin ang isang post galing sa spookify page; na tinutukoy ni Shaira. Matagal na pa lang usap-usapan ang Biringan City, dahil may ilang tv show na ang naging paksa ay ang lugar na ito. Mula kay Carolina na sinasabing siya ang nagdadala ng mga taong gusto niyang isama sa kanilang lugar. Napakayaman daw ng lugar na ito na pinalilibutan ng malalaking building, dito mo raw matatagpuan ang tunay na paraiso dahil walang lungkot at walang hinagpis kapag isa ka sa napili nilang mapunta dito. Nag-aral si Carolina sa isang pribadong unibersidad sa Maynila at talagang makikita mo rito kung gaano ito kayaman at nakakahumali rin ang kaniyang kagandahan, at busilak nitong puso.  Bakasyon na nila noon nang ayain niya ang mga kaibigan niyang sumama sa kanilang baryo na tinawag niyang Biringan City. Hindi nakasama ang isa sa mga kaibigan nito dahil hindi pinayagan ng kaniyang mga magulang.  Tatlo lamang ang sumama sa kaniya dahil siya na rin ang sasagot ng pamasahe at iba pang gastusin. Natapos ang bakasyon ay hindi pa rin sila bumabalik. Dahil sa pag-aalala ay nagtungo ang pamilya ng mga kasama ni Carolina na umalis noon, pero nabigo sila ng malaman na wala pa lang ganitong lugar. Ang sabi pa ng ilang napagtanungan nila na ang Biringan ay kumakatawan sa salitang 'Hanapan ng mga nawawala'. Lumipas ang taon at napanaginipan ng isa sa mga kapatid na kasama ni Carolina na may mensahe silang iniwan. Agad naman hinanap ito ng kaniyang kapatid at nakita ang tinutukoy nitong sulat. Naglalaman ito ng pamamaalam na masaya na siya sa lugar na kinaroroonan niya at 'wag na silang mag-alala dahil kahit kailan ay hindi na siya makakaranas pa ng lungkot at sad'yang napakayaman daw ng lugar na ito.  Simula noon nagkaroon na ng mga bali-balitang ang ilan sa mga nawawalang tao sa lugar nila ay marahil dinadala ni Carolina sa kanilang lugar.  Simula noon hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang kwentong ito. "Caralina!" Mabilis akong napatayo nang marinig ang boses ni mama, nagpalit muna ako ng damit bago lumabas.  Sumalubong sa akin ang mga pagod nilang mukha.  "Kumain ka na?" Tanong ni papa matapos akong halikan sa noo. "Hindi pa po, hinihintay ko po kayo." Nakangiting saad ko sa kanila habang pinagmamasdan silang paupo sa sofa.  "Kumain ka na sana, pagod ako bukas na ako kakain." Marahan akong kumawala ng mabigat na paghinga matapos itong marinig. Sabagay, ano ba naman ang aasahan ko? Palagi naman silang walang time para sa akin. Lumakad ako palapit sa kanila. Nasa isang mahabang sofa sila nakaupong dalawa, habang ako ay nakatayo sa gilid nila. Bakas sa kanila ang pagod, si mama manager sa isang fast-food at mukhang maraming tao ngayon. Si papa naman ay marketing staff ng isang food manufacturer. "Wala na po kaming klase bukas, pwede na po ba akong pumunta sa Samar?" Matapos ko itong tanungin ay agad nila akong binigyan ng masamang tingin. "Ilang beses ba naming sasabihin na hindi ka pwedeng pumunta sa lugar na iyon? Magbakasyon ka kahit saang lugar sa Pilipinas, pero 'wag doon!" Sigaw ni mama na umalingaw-ngaw sa apat na sulok ng bahay. "Per-" "Pumasok ka na sa kwarto mo! Kung gusto mong makasama ang lola mo at si Angie sila ang papuntahin natin dito," dagdag pa ni papa. "Kahit one week lang po."  "Ilang beses bang ipapaliwanag na hindi ka nga pwedeng pumunta sa lugar na iyon!" Galit na sigaw ni mama, napaatras pa ako matapos nitong tumayo. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko para lang pigilan ang luhang gusto ng bumagsak. Kahit anong pilit ko sa kanila noon para magpunta ng Samar hindi sila pumapayag. Kung hindi sila sisigaw pinagbabawalan akong lumabas ng bahay, hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw nilang bumalik doon. Padabog kong isinara ang pinto at umupo sa kama habang nagmumukmok. Palagi naman silang walang time sa akin bakit hindi nila ako payagan pumunta roon? Naroon naman nakatira sila lolo at lola. Napukaw ang attention ko ng bag na naka-impake na dahil balak ko na talagang magpunta ng Samar bukas kung sakaling papayagan ako. Pero mukhang kahit ayaw nila makakarating ako sa lugar na iyon. Kinabukasan matapos nilang pumasok sa trabaho ay agad akong nag-ayos. Kaunting gamit lang ang dadalhin ko. Wala na sa isip ko kung magagalit sila kapag nalaman nilang tumakas ako. Mas madali ito dahil ako lang ang naiiwan mag-isa sa bahay at may ipon naman akong pera, mukhang sasapat naman ito. Nag-iwan ako ng sulat at idinikit sa sofa para kung sakaling darating sila mas mabilis nilang makikita. Kung magagalit man sila ay wala ng magagawa pa, dahil nasa Samar na ako. Tumawag ako kay Angie at hiningi ang address nila lola. Mahaba ang byahe pero hindi naman ako nainip dahil may dala naman akong cellphone.  Nagbabasa pa ako ng ibang teyorya patungkol sa Biringan City at nalaman kong naipalabas na din pala sa tv ang tungkol kay Carolina. Dalawa lang ang anak ni lola Esdang, si papa at ang mama ni Angie. Minsan diti sila sa bahay nagbabakasyon o kaya minsan sa Baguio or Zambales kami nagpupunta pero ni minsan ay hindi kami nagpunta sa lugar nila. Ayaw ni papa na bumalik ng Samar at hindi manlang nila kayang ipaliwanag sa akin kung bakit kahit isang araw lang ayaw na ayaw nilang tumapak doon, kahit pa doon siya lumaki at doon sila nagkakilala ni mama. Mula Calbayog airport ay isang oras ang naging byahe ko papuntang Brgy. Conception Gandara, mula roon ay sumakay ako ng bangka papuntang bayan ng Pagsanghan at sa palagay ko ay isang oras din ang naging byahe na iyon. Matapos kong makarating sa bayan ng Pagsanghan ay nagtanong-tanong na lang ako sa mga taong naroon. Itinuro naman nila ako kung saan ako sasakay at sabihin ko na sa baryo ng sapang araw ako ibaba. Pero nagulat iyong driver matapos ko itong sabihin at ilang beses akong tinanong kung sigurado ba raw ako sa pupuntahan ko. Pero hindi kalaunan ay isinakay niya na rin ako.  Kalahating oras din ang byahe namin, mediyo creepy lang iyong dinaanan namin dahil mga lumang bahay na gawa sa kawayan at walang katao-tao sa labas. Alas-tres pa lang naman ng hapon pero saradong-sarado na ang mga bahay nila.  May mga iilan na bukas at kapag nakikita ako nagmamadali silang magtago. Syempre kinabahan naman ako sa mga nakikita ko pero pinapanatili ko pa rin ang pagiging kalmado. "Ganiyan talaga sila kasi ngayon lang ulit may bago na dumaan dito." Napalunok pa ako matapos itong sabihin ni manong. "Nagtataka nga rin ako e, may kamag-anak ka bang pupuntahan dito?" Tango ang isinagot ko sa tanong ni kuya at patuloy pa rin ang pag-obserba sa paligid. Mukhang ghost town dahil sa sobrang tahimik ng lugar. "Dito na tayo ineng, hanggang dito lang ako pwede." Tumingin pa ako kay kuya na nakangiti. Lumabas ako pero nanatili ang pagiging tahimik ko. Feeling ko sa sobrang tahimik ng paligid kahit bumulong ako aalingaw-ngaw sa paligid.  "Salamat kuya." Ngiting pasalamat ko rito.  Napatingin ako sa gawing kanan kung saan mayroon pang isang lagusan papasok, pero mediyo madilim kaya hindi ko maaninag ang loob. "Mag-iingat ka ha, bago ka pa lang naman." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni manong bago ito tuluyang umalis. Kitang-kita ko pa ang pagmamadali nito para lang makalayo kaagad sa lugar na ito. Muli kong inililibot ang paningin sa paligid, maraming puno at maaliwalas ang paligid dahil nga walang katao-tao sa labas at saradong-sarado ang mga bahay nila. Tanging mga dahon na tinataboy ng hangin ang maririnig mo. Nakakabinging katahimikan. Pero saan naman kaya ako magtatanong kung saan ang bahay nila Lola Esdang? Ito na ba ang baryo ng sapang araw?  Ayaw pa bumukas ng phone ko kaya hindi ko tuloy matawagan si Angie. Hindi ko pala nailagay ang powerbank dahil sa kakamadali. Ilang saglit akong nakatayo habang pilit na binubuksan ang cellphone, nang biglang may marinig akong sasakyan na paparating, kaya agad akong napalingon dito.  Nalaglag ang panga ko sa ganda at kintab ng sasakyan nito at mukhang bagong bili.  Kulay ginto ito, mukhang bagong labas lang ang ganitong sasakyan dahil wala pa kasi akong nakitang ganito sa Manila. Sinundan ko ito ng tingin na lumagpas ng kaunti sa akin at huminto, na mas lalo kong ikinatulala.  Napatikom ako ng bibig at lumunok ng laway dahil sa pakiramdam kong panunuyo ng lalamunan. Nanlaki ang mga mata ko noong lumabas ang napaka-gandang babae mula sa kulay ginto nitong sasakyan. Maputi at talagang makinis ang balat nito, pustura rin siya sa kulay puti niyang dress na hanggang tuhod. Para akong na-estatwa dahil para akong nakakita ng isang tunay na Diyosa, babae ako pero parang gusto ko na lang maging tomboy dahil sa ganda niya.  Lumakad siya palapit sa akin na may malawak na ngiti. "Bakit ka nakatulala? Saan ka ba pupunta?" Napakalambing din ng kaniyang boses, napalunok na lang ako at mediyo nagulat ng kumaway ito sa harapan ko. "Aah-ehh sa a-ano po-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tumawa siya pero napakahinhin talaga. "Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka nanginginig? Natatakot ka ba sa akin?" Sunod-sunod ang iling ko habang nagsasalita. "H-hindi, ang ganda mo kasi para kang artista." Natawa siyang muli sa sinabi ko. "Ikaw din, napakaganda mo at napakahaba rin ng buhok mo." Nakangiti nitong saad. Tama siya, mahaba ang buhok ko na lagpas beywang, kulay itim at talagang shinny dahil ayaw nila mama na paputulan ko ito at lagyan ng kulay. Bawal daw kasi sa amin ang magkaroon ng maigsi na buhok dahil nagkakasakit kami. "Sumabay ka na sa akin, saan ka ba pupunta?" Tanong pa niya. "Sa lola ko po, kila lola Esdang Montejos. Kilala niyo po ba siya? Sa sapang araw daw po iyon." Tanong ko rito na nginitian lang ako at tumango. "Mukha atang naliligaw ka, nasa kabilang dulo pa sila at kung gusto mo sumabay ka na sa akin, tutal papunta rin naman ako doon." Luminga-linga pa ako sa paligid, mukhang mahihirapan ako makasakay kung mag-hihintay lang ako rito. "Natatakot ka ba sa akin?" Mabilis akong napatingin sa kaniya na nakasimangot na, pero maganda pa rin. Maganda ang hulma ng mukha nito, sobrang puti niya na pati ang kulay ng pilik-mata at kilay nito ay puti. Bilugan din ang mga mata nito, matangos na ilong at mapulang labi. "H-hindi po." Hay naku! Bakit naman ako matatakot sa kaniya, ang ganda-ganda niya tapos parang mayaman pa-mali, mayaman pala talaga siya. Wala na akong nagawa kaya nakisabay na ako sa sasakyan niya, malayo rin daw kasi papunta roon at madilim pa, baka may mangyari pang hindi maganda sa akin. Sa buong byahe, nakanganga ako at nakatingin sa bintana. Napakaganda ng mga kulay berdeng dahon at malalaking puno. May mga nahuhulog pang dahon, grabe ngayon lang ako nakadaan sa ganito at maganda pala talaga rito. "Parang tuwang-tuwa ka sa mga nakikita mo." Napatingin ako sa kaniya na nakangiti habang nagmamaneho.  "Ano nga pa lang pangalan mo?" Tanong pa niyang muli, Umayos ako ng upo at nagsalita. "Caralina po." Masayang pagpapakilala ko. Marahan itong ngumisi at sa puntong ito bigla akong kinabahan, parang ang creepy niya tingnan. Pinilit ko na lang kumalma para hindi niya mapansin na natatakot ako sa kaniya. Ibinaling kong muli ang tingin sa bintana para pagmasdan ang mga puno sa paligid.  "Maligayang pagbabalik kapatid." Sa sandaling bitawan niya ang mga salitang iyon ay binalot na ng takot ang buong paligid.  Hindi na ako makahinga sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Parang may kakaibang hangin ang gumagapang sa akin dahilan para manlamig ang buo kong katawan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.5K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
566.8K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
486.1K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook