Chapter 2

2511 Words
"Maligayang pagbabalik kapatid." Sa sandaling bitawan niya ang mga salitang iyon ay binalot na ng takot ang buong paligid.  Hindi na ako makahinga sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Parang may kakaibang hangin ang gumagapang sa akin dahilan para manlamig ang buo kong katawan. Nanginginig ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "A-ano pong ibig ninyong s-sabihin?" Kahit pa man nanginginig na ako sa takot, pilit pa rin akong nagsalita. "Pasenya ka na, magkatunog kasi kayo ng pangalan ng kapatid ko na nasa Maynila rin."  Napa-buntong hininga ako at sunod-sunod pa ang lunok, matapos marinig ang mga sinabi niya, pero may part pa rin sa akin na kinakabahan talaga.  Mukhang napansin niya na kinakabahan ako kaya siya na ang unang nagsalita. "Maraming magagandang lugar dito, sana maging masaya ka sa pananatili mo rito." Napatango na lang ako, pero hindi pa rin talaga ako makatingin ng deretsyo sa kaniya.  Ang layo pala talaga nang byahe kanina pa kami andito, hindi ko pa nakita ang daan palabas. "Kumain ka muna diyan, may mangga sa loob niyan." Pag-aalok niya sabay tingin sa isang basket sa gilid. Tiningnan ko naman ito at may nakitang kulay green na mangga. Naglaway naman ako ng makita iyon kaya agad akong kumuha ng isa, patay gutom na kung patay gutom pero tagal ko ng hindi nakakakain nito.  "Salamat po." Napangiti ako sa kaniya at ganoon din naman siya. "Matamis iyan kahit ganiyan ang kulay," saad pa nito. Inikot-ikot ko muna ang mangga at inamoy, kaya mas lalo akong natakam. Aakma na sana akong kagatin ito pero natigilan ako at humarap sa kaniya na parang atat na siyang kainin ko ito.  "B-bakit?" Nauutal nitong tanong. "Wala po bang asin—" Natigilan ako ng bigla niyang ihinto ang sasakyan, dahilan para mabitawan ko ang mangga at gumulong pailalim ng upuan. "Aaww..." Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang pag-alog, ang lakas ba naman ng pagkapreno niya buti na lang at naka-seatbelt ako. "Bumaba ka na." Seryoso niyang utos, magsasalita pa sana ako kaso naunahan na niya akong magsalita. "Kaunting lakad na lang makakalabas ka na." Seryoso pa rin iyong mukha niya.  Wala na akong nagawa kung hindi kuhanin ang bag ko, nagpasalamat ako sa kaniya bago bumaba. Mukha atang nainis siya sa akin dahil pinaharurot na niya iyong sasakyan pabalik. Bakit kaya? Baka kasi nag-demand pa ako ng asin kahit sinabi pa niya na matamis na? Ang babaw naman kung ganoon ang dahilan niya. Napakibit-balikat na lang ako saka naglakad na palabas, nagulat naman ako dahil madilim na ang paligid. Grabe ang hirap pala ng sasakyan dito dahil walang gaanong dumadaan.  Naglakad pa ako sa kalsada ng may bumusina sa akin kaya mabilis ko itong nilingon. Huminto ako para antayin itong huminto sa aking harap, tumingkayad pa ako para makita si manong driver.  "Sumakay ka na." Sabay bukas niya ng pinto. Truck ito na puno ng gulay, agad naman akong pumasok at sumakay. "Anong ginagawa mo ng ganitong oras sa labas?" Pagtataka nitong tanong. "May naghatid po sa akin kanina diyan, kaso nagalit ata kaya pinababa ako." Sabay turo ko ng dinaanan namin kanina. Gulat namang napatingin sa akin si kuya at salitang tiningnan ako at iyong dinaanan ko kanina. "Paano ka nakaalis?" Kunot noo kong tiningnan si kuya. "Saan po?" Tanong ko pa rito. "May malaking bangin kasi diyan, walang sasakyan na dumaraan diyan." Nanlaki ang mga mata ko matapos niya itong sabihin, muli na naman akong nakaramdam ng takot. "A-anong oras na po?" Nanginginig kong tanong dito. "Alas-kwatro na ineng." Napapikit ako at napahinga ng malalim, isang oras ang byahe namin? Alas-tres ang nakita kong oras bago namatay ang phone ko kanina. "Alas-kwatro ng madaling araw." Sandaling napatigil ang mundo ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig.  Hirap na naman ako makahinga dahil sa sinabi ni kuya. Parang tuyo na ang laway ko, pati mga balahibo ko naghihiwalay na dahil sa takot.  Tulala ako buong byahe. Mahigit kalahating oras siguro kaming nagbyahe papuntang bayan. Nakatulala lang ako at blanko ang isipan, may mga sinasabi si kuya pero wala akong maintindihan dahil para akong nabibingi sa lakas ng t***k ng puso ko.  Ibig sabihin maaaring engkanto iyong babaeng nakasama ko kanina? Sabi nila mababait daw ang mga engkanto sa mga taong gusto nilang makuha. Buti na lang pala talaga hindi ko kinain iyong mangga baka hindi na ako nakaalis doon. Nagpasalamat ako kay manong matapos ituro sa akin ang pwesto ng tindahan ni lola.  Mabilis akong nagtungo doon at kita ko ang gulat sa mukha ni lola matapos akong makita. "Lola, I miss you." Sabay yakap ko sa kaniya ng sobrang higpit.  "Anong ginagawa mo rito? Alam ba ng mga magulang mong nagpunta ka rito?" Aligaga niyang tanong. "Hindi nga po nila alam, ayaw kasi nilang pumayag. Pero wala na, andito na po ako." Pagmamalaki ko sa kaniya pero napatingkayad ako matapos niya akong kurutin sa tagiliran. "Pasaway kang bata ka! Bakit mo sinuway ang mga magulang mo? Bukas na bukas kailangan mo ng umuwi!" Nais ko pa sanang umangal ang kaso hindi na natapos si lola sa pagdakdak at pangangaral sa akin. Ano ba talaga ang meroon at ayaw nilang magpunta ako rito? Wala naman akong gagawing masama, sobrang bait ko kayang bata. Matapos akong bigyan ng award ay nagpunta na kami sa bahay nila lola para magpahinga na muna. "Sige magpahinga ka na lang muna at ang lolo mo ay nasa bukid pa," sabi pa ni lola habang inilalapag ang gamit ko sa loob ng kwarto.  May kalakihan din ang bahay nila na nasa tatlong kwarto at dalawa lang sila ni lolo ang nakatira rito.  Matapos nito ay nagpaalam na si lola na umalis dahil babalik pa raw siya sa palengke, papunta naman na rin daw dito si Angie. Malawak din ang kwarto, hindi siya mukhang pang probinsya kung hindi ka lang titingin sa labas, hindi mo mahahalata na nasa probinsya ka. Lumapit ako sa bintana at binuksan ito, matatanaw mo mula rito ang isang malawak na palayan at sa 'di kalayuan ay ang ibang mga bahay na gawa sa kawayan. Ang sarap ng hangin dito at ang tahimik pa. Napaka-relaxing ng atmosphere rito.  Nakatitig lang ako sa malawak na palayan at hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa akin, ibig sabihin nakasagupa na kaagad ako ng engkanto? Bakit hindi ko napansin iyon o sumagi man sa isip ko na baka nga engkanto siya? Pero kasi ang ganda niya talaga at ang amo pa ng mukha niya. "Insaaaan!" Napatigil ako sa isang malakas na sigaw na nagmula kay Angie habang papasok ito sa kwarto ko, napatayo naman ako bigla at niyakap siya.  Sa f*******: lang kami madalas na nag-uusap at talagang na miss ko siya dahil halos dalawang taon na rin simula noong nagpunta sila sa Manila.  "Namiss talaga kita." Panggigigil nitong yakap sa akin. "Hindi nga halata, 'di na nga ako makahinga." Sabay pa kami natawa kaya bumitaw na rin siya sa pagkakayakap sa akin.  "Tara bilis, igagala kita rito." Excited nitong aya. Magsasalita pa sana ako kaso bigla na niya akong hinila palabas.  Magkasing edad lang kami ni Angie, pero mas matangkad ako sa kaniya ng ilang pulgada lang. Maigsi ang buhok at maputi ang kulay ng balat niya. Sobrang daldal nito kaya sa lahat kami ang magkasundo kahit bihira lang kami magkita, sabagay siya lang naman ang pinsan ko. Inilibot niya ako sa paligid, layo-layo ang bahay at may malawak na palayan, may malalaking puno at may mga gulayan. Masarap din ang hangin na alam mo talagang nasa probinsya ka na, malayo sa mausok na lugar ng Maynila. May mga ikinukwento si Angie, tungkol sa lugar na ito at kung paano sila maglaro noong mga bata pa sila at naikwento rin niya kung paano sila nagkakilala ng jowa niya.  Habang inililibot ko ang paningin sa paligid, muna sa berdeng kalupaan hanggang sa asul na kalangitan ay biglang may umagaw ng atensyon ko, isang lalaki na nakatayo sa 'di kalayuan sa ilalim ng malaking puno ng mangga at nakatanaw siya sa palayan. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya, nakatagilid siya sa amin ngayon pero tanaw na tanaw ko ang maganda nitong mukha pero mukhang masungit at kapag kinausap deadma lang.  "Si Marlo iyan anak ng isa sa mga kasamahan nila lolo sa pagsaka noon." Nagulat ako ng pati si Angie ay nakatanaw na rin. Umiwas ako nang tingin at umakto na parang wala lang. "Ang gwapo 'no? Ang daming nababaliw na babae diyan." Napangisi na lang ako sa sinabi niya. "Playboy." Sabay balik ng tingin doon sa Marlo daw. "Wala siyang pinansin kahit isa, hindi rin iyan madalas magsalita. Simula nga mga bata pa lang kami mas gusto na niya mag-isa," dagdag pa nito. "Ay, barbie. Sabi ko na barbie." Natatawang kanta ko pero hinampas niya lang ako sa braso at nakisabay na rin sa pagtawa.  Muli kong ibinalik ang tingin kay Marlo, pero nagulat ako nang tumingin din siya sa gawi kung saan kami nakatayo at wala manlang reaction ang mukha, kaya napaiwas ako at kunwaring nagtitingin na lang sa paligid. Nagpunta kami kila lolo pero saglit lang dahil ipapasyal pa raw ako ni Angie, sa iba pang parte ng lugar na ito. Ang ganda talaga rito, may mga malalaking puno at maraming gulay. Mukhang kilalang-kilala talaga si Angie sa lugar na ito, dahil halos lahat ng nakakakita sa amin ay kinakawayan siya.  Matapos ang maghapong galaan bumalik na ulit kami sa bahay nila lola. Tumambay siya saglit pero umalis na rin ng makabalik na si lola at lolo. "Ano apo ayos ka lang ba rito? Mahina ang signal dito, kapag naiinip ka manood ka muna ng tv wala ka rin kasing magagalaan dito gaano." Ngumiti na lang ako kay lolo at tumango.  Alas-siyete pa lang ng gabi pero matutulog na sila kaagad. Ganito raw kasi talaga sila kaaga matulog dahil wala silang gagawin at isa pa maaga silang gigising kinabukasan.  Nag-stay na lang ako sa kwarto ko dahil hindi rin naman ako mahilig manood ng tv.  Nakasalampak ako sa kama at nakatingala sa kawalan, hindi talaga maalis sa isip ko iyong mukha ng diwata, pero totoong grabe pala talaga ang ganda nila. Ibig bang sabihin kaya ko siya nakita dahil gusto niya akong isama sa kanila? Ang ganda ko pala talaga ano? Kasi sabi magaganda lang daw kinukuha nila. Pero Paano kaya kung napasama ako sa kaniya? Baka wala ako ngayon dito.  Okay sa susunod kailangan ko mag-ingat.  Kahit hindi ako sanay matulog ng ganito kaaga ay pinilit ko na lang ipikit ang mga mata ko, sobrang tahimik ng paligid kaya hindi rin malabong makatulog agad ako. "Para sa ating bisita, tumayo tayo at magpalakpakan." Hiyawan ng mga tao kasabay ng masayang tugtugin. "Caralina Montejos." Muling palakpakan ng mga tao. "Caralina Montejos."  "Caralina Montejos."  Bigla akong naalimpungatan sa gitna ng malalim kong pagkakatulog dahil sa ingay nang pagtawag sa aking pangalan. "Caralina Montejos, halika na't sumayaw." Kinusot ko pa ang mga mata ko bago bumangon sa kinahihigaan ko. Anong oras na ba at may party pa sa labas? Teka...may party sa lugar na ito? Bumilis ang t***k ng puso ko at saglit na pinakinggan ang paligid. Hindi ganoon kalakas ang tugtugin at sa palagay ko ay nasa kalayuan ito ginaganap.  Napatigin ako sa orasan na nasa itaas ng pader. Alas-tres pa lang naman ng madaling araw pero bakit hindi ko narinig iyan kanina bago ako natulog?  "Caralina Montejos ikaw na ang sasayaw." Sa mga oras na ito ay parang ayoko muna huminga para mas lalo kong marinig ang sinasabi. Imposible na pangalan ko ang babanggitin doon dahil hindi naman ako kilala rito. Maingay rin ang paligid na halatang masasaya ang mga taong naroon, para nga siyang birthday party or ano man.  Dali-dali akong tumayo para lumabas ng kwarto, tumingin ako sa kwarto nila lola pero nakasarado ito at pati na rin ang pinto palabas. "Caralina ano pang hinihintay mo?" Muli kong rinig sa pangalan kong tinawag. Hindi naman ako matatakutin kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip, madilim ang paligid at rinig ko pa rin ang tugtog at mga hiyawan ng tao na paulit-ulit sinasabi ang pangalan ko.  Mediyo maingay ang pinto kaya kaunting uwang lamang ang binuksan ko, payat naman ako at alam kong kas'ya ako. Ang angas naman pala rito, may party na ganiyan at hindi manlang akong sinabihan ni Angie at nila lola para sana nakapag-ayos pa ako, sayang nakapagsuot sana ako kahit manlang simpleng dress. Sinundan ko ng dinig kung saan banda iyong party na kanina pa ako tinatawag ng biglang may humila sa kamay ko, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "S-sino ka?" Madilim ang paligid kaya hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya. Kinikilabutan na ako lalo na sa higpit ng pagkakahawak nito.  Laking gulat ko nang bigla niya akong hilahin pabalik sa bahay nila lola, may ilaw na rito kaya mas nagbigay linaw sa aking paningin kung sino siya. Imposible! Anong ginagawa ng tao na ito rito sa ganitong oras? Isa pa, bakit niya ba ako hinablot pabalik? "Marlo?" Mukhang nagulat din siya ng banggitin ko ang pangalan niya, mas gwapo pala siya sa malapitan.  "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Hindi ko alam kung nagagalit ba siya o naguguluhan pero ang alam ko gwapo siya. Well, hindi ko naman alam kung galit ba siya dahil walang nag-iba sa mukha niya. "Sabi ni Angie, teka nga. Bakit mo ba ako hinila pabalik dito?" Hinila ko ang kamay ko na kanina niya pa hawak ng mahigpit, syemre dapat mas masungit ako kasi ako ang babae. "Saan ka ba pupunta?" Aba! Concern ang kuya mo. "Sa party, tinatawag nila ang pangalan ko." Tinaasan ko siya ng kilay na parang ipinagmamalaki ko pa. Hindi siguro siya invited doon. "Nababaliw ka na ba? Kailan pa nagkaroon ng party sa bukid na kakaunti ang tao? Party ng mga gulay?" Tinitigan ko muna siya saglit saka ko siya inirapan. "Aish! Ano bang sinasabi mo? Narinig ko nga pangalan ko." Pag-aangal ko naman dito habang nakahalukipkip. "Hindi mo pa rin ba gets? Hindi tao ang mga iyon."  Nang sandali niyang sabihin iyon ay nakaramdam na naman ako ng kaba at panlalamig.  "A-anong ibig mong sabihin?" Nangangatog kong tanong dito. "Bago ka rito kaya gusto ka nilang linlangin, sa susunod na makarinig o makakita ka ng mga bagay na bago sa iyo ay huwag mong papansinin kasi hindi ka na nila titigilan. Isa pa itali mo iyang buhok mo, mas nakakaakit ng ibang nilalang kapag nakalugay ng ganiyan ang buhok mo." Mahaba nitong paliwanag.  Nakatulala pa rin ako sa kawalan at parang feeling ko hindi na ako makakatulog nito. Hindi ko alam, pero bigla na lang nawala iyong ingay sa paligid.  Nalinlang na naman ba nila ako? Pero bakit ganoon na lang kadali akong mapasunod na parang may mahika silang ginagawa sa akin? Mabuti na lang at hindi ako natuloy makapunta roon, pero teka. Paano niya nalaman na pupunta ako roon, ang layo ng bahay nila rito? Hindi kaya may alam din siya sa mga nangyayari?  Sino ba siya? O ang dapat kong tanong ay ano ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD