Chapter 18

1512 Words
Abala ang lahat ngayon sa pagluluto para sa new year celebration mamaya. Lahat sila talagang busy samantalang ako walang ginagawa kung hindi ang tumingin sa kanila, maski kasi maghiwa ng sibuyas ay hindi ako marunong.  Narito na rin sila Gino,Chanchan at Angie, wala naman akong maistorbo sa kanila kasi baka sungitan lang nila ako. Haayst! Hirap pa lang walang ginagawa habang ang mga kasama mo busy. "Wala na ata tayong gagamiting sili." Napatingin ako kay lola na parang may hinahanap. "A-ako na lang po ang kukuha." Agad akong napatayo at naglakad palabas, sa likuran lang kasi ng bahay ang ibang mga tanim. Namimitas na ako ng mga siling labuyo, sinasayaw ko pa ang ulo ko habang namimitas. Ang dami pa kasing kulay green kaya todo hanap ako ng kulay red. Napahinto ako sa ginagawa ko matapos makarinig ng ingay sa 'di kalayuan, agad akong napalingon at halos maitapon na ang mga siling hawak ko nang makitang may taong palapit sa akin.  Humintong muli ang oras na pakiramdam ko ay pati paghinga ko ay gusto ng huminto. Muli na namang nagwawala ang puso ko, gusto kong tumakbo palapit sa kaniya pero hindi kaya ng tuhod ko.  Napakurap pa ako ng ilang beses matapos itong huminto sa harapan ko.  "A-anong ginagawa mo rito?" Utal kong tanong dito, na natili lang siyang nakatayo sa harapan ako at seryosong nakatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil konti na lang talaga bibigay na naman ako. "May nagsabi sa akin na gusto mo raw akong makausap." Malamig nitong tugon. Napangisi ako sa sinabi niyang ito, pero hindi pa rin ako makatingin sa kaniya ng deretsyo. "Oo, dahil gusto ko lang sanang sabihin sa 'yo na sana maging masaya kayo ni Yuna." pagtataray ko rito, gusto ko siyang makausap noon pero bakit parang ngayon gusto ko na lang siyang awayin? Gusto kong magalit sa kaniya pero gusto ko rin siyang mahalin pa lalo. "Hin-" Hindi na nito natapos ang sasabihin niya ng marinig namin ang pagtawag ni papa. "Caralina, bakit ang tagal mo?" Matapos niya itong marinig ay agad siyang napatakbo. Med'yo natawa naman ako sa reaction niya dahil sa taranta. Ayos na rin ito, at least nakita ko siya at nakita ko sa huling pagkakataon ang gwapo niyang mukha, na-miss ko ang dimple niya kapag nakangiti. Ang tagal ko ng hindi nakikita iyon. "W-wala po, nahirapan lang ako mamili, okay na po ba ito?" Sabay lahad ng palad ko kung saan nakalagay ang mga napitas ko kanina.  "Marami na iyan, pumasok ka na sa loob." Pagmamadali nitong utos habang inililibot ang paningin sa paligid. Napakibit-balikat na lang ako at sumunod sa utos.  Habang lahat pa rin sila ay abala, nag-ayos at tumambay muna ako sa kwarto. Nakatitig ako sa salamin habang tinitingnan ang repleksyon ko mula rito at hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni mang Karding sa akin. Ang ibig ba niyang sabihin ay marami pa rin silang nililihim? Pero ano ang mga iyon? Ayoko na magulo pa ang isipan ko dahil desedido na akong sumama sa kanila pero bakit parang may mali? Palagi na lang may mali.  "Girl." Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Chanchan sa likuran ko. "Kanina ka pa nakatitig diyan, baka mabasag na ang salamin." Natawa ako matapos niya itong sabihin, umikot ako at humarap sa kaniya. Nakita kong lumakad pa siya palapit sa kama ko at doon umupo. Kumawala muna ako ng malakas na paghinga bago nagsalita. "Para na akong mababaliw." Nakasimangot kong reklamo. "Basta kahit anong desisyon mo, palagi akong nakasuporta sa 'yo," saad nito na may malawak na ngiti. Muli siyang tumayo at lumapit sa akin. "Sa bawat bagay na nakikita natin, may mga kwentong nakakubli, pero hindi lahat sinasabi ang totoo sa kwentong ito. Pero alam mo Caralina? Ang taong nakakaalam ng buong kwento ay tanging ang taong nasa kwento." Gulong-gulo akong tumitig sa kaniya, kahit pilitin ko hindi ko siya maunawaan.  "Ano pang ginagawa niyo? Tara na at malapit na mag-countdown." Napatingin kami kay Angie na nasa pinto at nasa likuran si Gino na may hawak na lumpia. Napalunok muna ako bago sumunod kay Chanchan na lumabas.  Ano ba ang tinutukoy ni Chanchan? Sino pa ba ang may alam sa lahat? Ghad! Utak ko sasabog na talaga. Sabay-sabay kaming nakatayo ngayon sa labas ng bahay, maya-maya lang kasi ay may fireworks. Kanina pa kami tingin nang tingin sa oras para makasabay sa countdown, gutom na rin ako at kanina ko pa gustong kainin ang lumpia, tapos spaghetti, cake, tapos iyong nilutong ulam nila lola at mama kanina. Kanina pa rin ako naglalaway sa tuwinhg titingin ako sa lamesa, ang bilis kong matukso. Gosh!  Sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa pagkain ay bigla akong hinawakan ng mahigpit ni Chanchan sa braso, agad akong napatingin sa kaniya. "Gutom ka na rin?" Inosenteng tanong ko sa kaniya, tiningnan niya lang ako at halata ko sa kaniya ang pagkabalisa. Baka gutom na rin siya? Antagal naman kasi, e. "Sumama ka sa akin." Nagulat ako ng mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin at hinila ako, pero hindi ako nagpatinag.  "Ano bang ginagawa mo?" Bulong ko rito. Humarap naman ako kila mama na ngayon ay nakatingin sa akin. "Ano bang nangyayari?" Lito kong tanong sa kanila. Lahat sila hindi nagsasalita pero may mga sinasabi ang mga mata nila.  "Maiintindihan mo rin ito,Caralina." Naiiyak na wika ni papa at niyakap ako. Wala na rin akong masabi pa kung hindi ang pag-iyak. Nalilito na ako sa lahat ng nangyayari. "Umalis ka na!" Sigaw ni mama sa akin, lalong nadudurog ang puso ko at patuloy na lumalakas ang pag-agos ng mga luha ko. "Tara na." Aya ni Gino na ngayon ay hawak na ako sa kabilang braso. "H-hindi ako aalis dito." Pagmamatigas ko sa kanila. Napatingin ako kila mama at nagsusumamong huwag nila itong gawin sa akin. Ayoko malayo sa kanila, huwag ngayon. "Pa, ano ba ito? Lola, Lolo, Ma, para saan ba ito?" Pagmamakaawa kong makakuha ng sagot, nagpunas pa si mama ng luha niya at hinawakan ako sa pisngi. "Malalaman mo rin ang lahat ng katotohanan, sana mapatawad mo kami." Sabi nito na humihikbi pa, hinalikan niya ako sa noo at hinayaan akong hilahin palayo nila Chanchan at Gino. Sumunod sa amin si Angie na nalilito rin sa nangyayaring ito.  Wala ni isa sa kanila ang gusto akong sagutin. Nakatingin ako sa kanila habang papalayo kami, sobrang sakit sa dibdib na nakikitang umiiyak sila. Ayoko nito, bakit kailangan nila akong ilayo sa kanila? Nagmamatigas pa rin ako para hindi nila ako mailayo pero mas malakas silang dalawa sa akin,sumisigaw ako pero mukhang wala sa kanila ang gustong makinig. Kaunti pa lang ang layo namin ng biglang may malakas na ugong kaming narinig at mabilis kaming napahinto lahat.  Napabitaw sila sa akin dahilan para mapaluhod ako. Wala na akong lakas pa, wala na akong maramdaman pa kung hindi ang sakit. Gusto kong gumapang palapit sa kanila, kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano masunog ang bahay.  Kasabay ng pagliwanag ng langit sa mga makukulay na fireworks ang pagbagsak ko sa lupa. Nabibingi ako sa sarili kong hikbi, habang ang lahat ay nagsasaya ito ako pinagdurusahan ang lahat. Wala ni kahit anong salita ang kayang ihalintulad sa nararamdaman kong sakit ngayon, sa lahat ng pakiramdam mas malala pa ito sa lahat ng malala. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangan magkaganito ang pamilya ko?  Sa puntong tinititigan ko kung paano lamunin ng apoy ang bahay namin na alam kong nilalamon ng impyernong iyon ang pamilya ko ay bumalik ang mga masasayang araw na kahit anong mangyari ay hindi ko na kaya pang maibalik.  Sana noon pa lang mas pinahalagahan ko na ang mga masasayang araw na iyon, sana mas lalo ko pang ipinadama sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Sana nagawa ko pa lahat ng bagay na gusto nila, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ako ang dapat na nasa loob, dapat kasama nila ako, dapat hindi na nila ako pinaalis.  Paano ko pa kakayaning mabuhay kung ang mga taong dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ay wala na? Durog na durog na buong pagkatao ko, ayoko na nito. Ayoko ng ganitong buhay! "Caralina." Rinig kong tawag ni Angie, habang yakap ako sa likuran. Rinig na rinig ko rin ang paghikbi nito. "Kailangan na natin makalayo bago pa nila tayo makita." Rinig kong tugon ni Chanchan habang hinahawi si Angie sa pagkakayakap sa akin. Na nanatili pa rin akong nakahiga at nakatitig sa kawalan, gusto ko na lang pigilang huminga dahil bawat bitaw ko ng hininga para akong sinasaksak, mali. Mas malala pa ito sa pagsaksak sa akin.  Lumalabo na ang paningin ko dahil sa kanina ko pang pag-iyak, wala na akong lakas para tumayo pa. Hanggang sa maramdaman kong may bumuhat sa akin. Sinubukan ko siyang mukhaan pero madilim ang paligid at nanlalabo ang aking paningin dahil sa pagkahilo.  Mariin akong pumikit habang dinadama pa rin ang sakit na nararamdaman. Ito na ang kadiliman at sumpa na haharapin ko dahil sa pagpupumilit na baguhin ang bagay na matagal ng nakatadhana para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD