Dalawang beses na kaming patagong nagkikita ni Marlo, alam ko na mali itong ginagawa namin. Kasama ko si Gabbi sa tuwing nakikita kami sa labas, pero hindi matatapos ang araw na hindi ko inaasam na makita si Marlo.
"Saan mo gusto kumain?" Napatingin ako kay Gabbi na ngayon ay may malawak na ngiti sa akin.
"Alam mo, sobrang saya ko ngayon. Alam ko na biglaan iyong desisyon mo pero sana hindi mo ako pinaglalaruan," saad nito na may mapait na ngiti.
Alam ko nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, pero hindi ko kaya, hindi ko siya pinaglalaruan pero alam kong pinagtataksilan ko siya.
"Alam ko naman na hindi mo ako kayang lokohin, hindi ba Caralina?" Napahinto kami pareho, kahit hindi siya nakatingin sa akin alam kong malungkot ang mga mata niya.
Wala akong magawa kung hindi ang yakapin siya. Hindi ko na rin napigil ang sarili ko na umiyak habang mahigpit niya akong niyayakap. Napakalaki ng pagkakamali ko sa kaniya, pero paano ko siya nakakayang pakisamahan ng ganito? Hindi ko deserve ang gantong trato mula sa kaniya.
"What a sweet couple." Napakalas kami ng marinig ang boses ni Yuna, napapunas ako ng mukha at hinarap ito. Kasama niya ulit si Marlo, nakatingin ito sa akin na mabilis niya ring iniwas.
"Kayo pala." Bati ko sa kanila, ngumiti si Yuna at pumulupot sa braso ni Marlo.
"Yaahh! Naggagala din kami ng BOYFRIEND ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, may riin din sa salitang boyfriend. Parang pinapamukha niyang pag-aari niya si Marlo na kahit anong gawin ko ay hindi ko makukuha. Masakit oo, sobrang sakit makita iyong taong mahal mo na inaangkin ng iba, ganito rin kaya ang naramdaman noon ni Marlo?
"Sama na kayo sa–" Hindi na natuloy si Gabbi sa pag-aaya ng maunahan siya ni Yuna.
"Wag na, gusto ko masolo mo siya at masolo ko ang boyfriend ko." May pagkamaldita nitong tono na sa akin lang nakatingin. Napangisi ako sa sinabi niya, seriously Yuna? Sa kabila pala ng mala-anghel mong mukha ay may nakakubli?
"Okay lang din, enjoy kayo ng BOYFRIEND mo." Sabay bawi ko ng malditang tingin dito, ngumiti ako at tumingin kay Marlo na hindi ako matingnan ng deretsyo.
Babawi pa sana siya ng salita pero agad akong hinila ni Gabbi palayo, grabeng babae iyon. Matapos ko siyang sundin ang lakas ng loob niyang magmaldita sa akin? Wala naman siyang magagawa dahil kayang-kaya kong bawiin sa kaniya ang Marlo ko.
Nawalan na ako ng gana kaya nag-aya na akong umuwi, wala nang nagawa si Gabbi, kaya hinatid niya na ako pauwi.
Maaga ako gumising ngayon, may usapan kasi kami ni Chanchan na magkikita kami. Hindi muna ako nagpasundo kay Gabbi dahil nagdahilan ako na hindi muna siya pinapapunta ni papa sa bahay. Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko.
Atat na atat kaming nagtungo ni Chanchan sa palaisdaan kung saan kami nag-celebrate ng birthday ko. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Marlo na nakatanaw mula sa amin, walang emosyon ang mukha nito.
"Go girl." Napatingin ako kay Chanchan na kilig na kilig din. Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ni Marlo at sinunggaban ito ng napakahigpit na pagyakap na agad din naman nitong binawian.
Parang kahit anong pagod ang maranasan ko, isang yakap lang mula sa kaniya sobra-sobra na sa pahinga. Sabik na sabik ako sa mga yakap niya, galak na galak ang puso ko na kung pwede ko lang ipagsigawan sa lahat na siya talaga ang totoo kong mahal.
Matapos namin kumawala sa napakahigpit na pagkakayakap sa isa't isa, umupo kami. Hindi man kagandahan ang tanawin sa palaisdaan na ito, basta kasama ko siya lahat ng nasa paligid ko ay maganda.
Inilapag ko ang ulo ko sa balikat niya habang nakahawak ang isa kong kamay sa braso niya, ang isa naman ay hawak niya, magkaholding hands kami ngayon.
Ayoko munang matapos ng mabilis ang araw na ito, sa tuwing magkasama kami parang gusto ko na lang itigil ang oras.
"Bakit boyfriend ka na ni Yuna?" Sinipat niya ang mukha ko kahit na nakapatong ito sa balikat niya.
"Bakit ikaw? Girlfriend ang tawag sayo ni Gabbi, magkayakap pa kayo." Bigla naman ako napaisip sa sinabi ni Marlo, itinayo ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya.
"Kahit na, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko!" Bulway ko rito na bigla naman niyang ikinangiti.
"B-bakit ka nakangiti?" Dahan-dahan niya akong tiningnan na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. Ghad! Ang gwapo niya! Kalma ka lang muna, Caralina. Ngiti lang iyan.
Napakagat labi ako habang nakatitig sa mamula-mula nitong labi, s**t! 'Wag kang ganiyan!
Iiwas na sana ako ng tingin pero hinawakan niya ako sa pisngi para hindi kumawala sa mga tingin nito.
"Hindi natin kailangan ang kahit na anong titulo para lang mapahayag na mahal natin ang isa't isa, sapat ng naririnig natin na pangalan ng isa't isa ang isinisigaw ng ating mga puso." Automatic na ngumiti ako sa mga sinabi niya. Hindi ko na ito mapipigilan, bawat galaw ng oras lalo akong nahuhulog sa kaniya. Sa bawat pag-isip ko na bawal ito ay mas lalo ko pang ginugusto.
Nababaliw na ako sa kasalanang ito.
Sumapit ang maghapon na kami ni Marlo ang magkasama. Kahit patago man ito ay talagang enjoy na enjoy kami, wala na akong pakialam sa mga taong masasaktan pa. Basta ang alam ko, kapag kasama ko siya kaya kong harapin ang lahat.
"Bukas ng gabi magkita tayo sa malawak na palayan, doon sa tambayan." Mga salitang binitawan nito bago kami tuluyang makalayo ni Chanchan, malapit na maggabi kaya kailangan na namin makauwi dahil mapapagalitan kami pareho.
Umaga pa lang atat na atat na akong makita si Marlo, bakit kasi ang bagal ng oras.
"Bakit parang kanina ka pa natataranta sa oras?" Nagtatakang tanong ni Gabbi, magkasama kami ngayon dito sa bayan.
"W-wala baka kasi mapagalitan ako kapag lumagpas ako sa oras ng pag-uwi ko." Napatango naman siya sa sinabi ko, mukhang nakumbinsi ko siya. Bakit ba halatang-halata sa akin na halos ayaw ko siyang makasama?
Naramdaman ko ang mahigpit nitong pagkakahawak sa akin ng makasalubong kami ng ilang mga binata na halos kasing edad lang namin. Nagtataka akong napatingin kay Gabbi.
"Baka kasi agawin ka nila sa akin." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Baliw ka." Kaya pala ang talim din ng tingin niya sa mga lalaki. Sobrang seloso pala ng tao na ito.
"Hindi kasi ako pumapayag na may kumukuha ng pag-aari ko, lalo na kung ikaw ang kukunin sa akin, Caralina."
Nakaramdam ako ng kaba sa mga sandaling iyon, natatakot ako. Natatakot ako sa kung paano niya banggitin ang mga salitang iyon.
"Handa akong pumatay, 'wag ka lang mawala sa akin."
Sa puntong ito, ibang Gabbi ang nakikita ko, punong-puno ng galit ang mga mata nito. Natatakot ako sa kaniya, natatakot ako hindi para sa sarili ko, kung hindi para sa taong mahal ko. Mas lalo akong kinakabahan habang papalapit ang oras ng pagkikita namin ni Marlo, parang may mali. Ayoko man isipin pero ramdam na ramdam ko.
Mag-isa kong tinatahak ang daan patungo sa tagpuan namin, bawat hakbang ko papalapit ay pagsikip ng dibdib ko. Pabilis nang pabilis ang t***k nito lalo na ng makita kong wala si Marlo roon, masyado lang ata akong napaaga. Pero hindi pa rin talaga ako mapakali dahil ang daming bumabagabag sa utak ko.
Halos isang oras na akong nakatayo rito pero hindi pa rin siya dumarating, wala akong balak na umalis dito hanggat hindi kami nagkikita.
"Caralina." Halos mapalundag ako sa tuwa ng marinig ang boses nito, agad akong napayakap sa kaniya at bumuhos ang luha na kanina pa gustong bumagsak.
"Bakit ngayon ka lang? Pinag-alala mo ako." Mabilis naman siyang kumawala at hinawakan ako sa balikat.
"Ayoko na magtago Caralina, ipakita na natin sa lahat." Naguguluhan akong tumitig sa kaniya.
"P-pero hindi kakayanin ni Yun–" Hindi na ako natapos magsalita ng patahimikin niya ako gamit ang isa niyang daliri.
"Sshhh...'wag mo silang alalahanin, mas masasaktan sila kung patuloy nating inililihim ito,gusto kong mahawakan ang kamay mo habang naglalakad ng malaya, gusto kong ipagyabang sa lahat kung gaano kita kamahal."
Gulong-gulo na ang utak ko. Gusto ko, gustong-gusto ko iyon. Pero alam kong hindi papayag si Gabbi, alam ko na kaya niyang gawin ang pagbabanta niya. Ayoko magsisi kapag may nangyaring masama kay Yuna. Hindi ko na alam.
"Ipaalam na natin sa kanila, handa akong saluhin lahat ng suntok at bugbog. Caralina, pinapatay ako sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Gabbi. A-ako dapat ang may hawak ng kamay mo, ako dapat." Patuloy pa rin akong walang imik sa mga sinasabi niya, kahit ako hirap na hirap na sa ganitong sitwasyon. Pero hindi pwede, hindi lang bugbog ang aabutin niya kay Gabbi, baka mapatay pa siya nito.
"Kailangan ko ng tiwala mo, Caralina, please?" Pagsusumamo nito, inalis ko ang kamay niya na ngayon ay nasa pisngi ko.
"H-hindi, hindi ko alam." Umiling-iling ako.
"Per–"
"Caralina!" Napatigil kami pareho ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni lola.
"Anong ibig sabihin nito?!" Galit na tanong ni papa na agad akong hinila palayo kay Marlo.
"Umuwi na tayo!" Pinipilit nila akong hilahin pero nagmamatigas ako.
"Ilang beses niyo na itong ginagawa?!" Galit na sigaw sa akin ni mama. Hindi ako sumasagot sa kanila kaya pinilit nila akong hilahin paalis. Na natiling nakatayo mula sa malayo si Marlo, ninais niyang humabol pero pinagbantaan siya ni lolo.
Tuloy-tuloy lang ang mga luha ko, hindi ko na alam kung dugo na ba ito pero durog na durog na ako.
"Ilang beses na naming sinabi na hindi ka pwedeng magmahal!" Bulyaw sa akin ni mama.
"Uuwi na tayo ng Manila bukas." Tumingin ako ng masama matapos sabihin iyon ni papa.
"Wag mo akong tinitingnan ng ganiyan, Caralina. Siguro nahawaan ka na ng kawalang hiya ng lalaki na iyon." Hindi ako natinag sa pagtingin ng masama sa kanila. Siguro naman ay pantay-pantay lang kami.
Ang dami nilang tinatago sa pagkatao ko, siguro kung matagal na nilang ipinaliwanag sa akin ang lahat. Marahil ay naiwasan ko na ito, pero hindi ko na kaya, masyadong malalim na ang pagkakahulog ko.
"Bakit? Hindi ba't marami rin kayong itinatago sa akin?" Nanginginig kong saad sa kanila at halata ang pagkagulat sa mga mukha nila.
"Alam kong kilala niyo si Inayah, si Carolina at si Eliezer." Kita ko kung paano silang matakot sa sinabi ko, napaupo pa si lola at napahawak sa dibdib nito na inalalayan ni lolo.
"Ano ba ang totoo? Bakit niyo ako binigyan nito?" Sabay pakita ng kanan kong kamay.
"Bakit ko napapanaginipan si Carolina? Si Eliezer?" Matapos ko itong sabihin, muling binalot ng katahimikan ang buong paligid. Na natili silang tulala sa akin, habang ako ay nakasalampak sa sahig na walang humpay ang pag-iyak.
"S-siguro panahon na rin para malaman niya ang totoo." Litong-lito akong tumingin sa kanilang lahat, gusto kong malaman pero natatakot ako.
"A-ako ba at si C-Carolina ay iisa?"