Chapter 11

837 Words
Maaga akong nagising dahil maagang nagpunta si Gabbi sa bahay, nakilala niya na kaagad ang parents ko pero kailangan lang ang pagpapakilala ko sa kaniya. Napag-usapan naman na namin iyon at sumang-ayon naman siya. Babalik siya ng Manila ngayon at babalik dito pagtapos ng pasko. Dito rin daw siya mag-new year kaya makakasama ko pa rin daw siya.  Sa totoo lang mabait si Gabbi, maalalahanin kaya hindi na rin siguro ako mahihirapan na mahalin siya. Tanghali na at isinama ako ni mama at papa na pumasyal sa bayan, may mga bumabati sa kanila. Siguro mga kababata ni papa, nasa likod nila ako habang inililibot ang paningin sa paligid. "Aray!" Napasubsob ako sa likuran ni papa na ngayon ay nakahinto, napansin ko na nakahinto rin si mama kaya umusad ako ng lakad para tingnan ang kaharap nila. "Mang Karding." Masigla kong bati rito. "M-Marlo." Sabay ngumiti ako ng pilit dito, napatingin ako sa mga magulang ko na gulat na gulat kay mang Karding, baka nagulat sila sa sunog nitong mukha? "El–" Hindi na natapos si papa sa pagsasalita ng mabilis na sumabat si mang Karding. "Karding." Mariin nitong sambit na deretsyong nakatingin kay papa. "Kumusta Caralina?" Biglang bumaling ang tingin nito sa akin, bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Kalma Caralina, kinukumusta ka lang. "Ayos naman po?" Patanong kong sagot, napatingin ako kay Marlo na walang emosyong nakatingin sa akin. Ghad! Paano kita lalabanan ng tingin Marlo? Tinutunaw mo ako. "Si Yuna?" Naiilang kong tanong dito. "Nasa bahay nila." Mabilis nitong sagot. "Magkakilala kayo?" Gulat na tanong ni mama, tumango ako at nagsalita. "Pinakilala po siya sa akin ni Angie–"  "Tara na." Pagputol ni papa sa sasabihin ko at hinila na ako palayo sa kanila. Bakas sa mukha ni Mang Karding ang pagngisi nito. Napakibit-balikat na lang ako at sumama kung saan nila ako dadalhin. "Huwag ka ng lumapit pa sa lalaki na iyon." Pagsaway sa akin ni papa. "Kay mang Karding po ba? Hindi naman po kami close–" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil huminto sila at hinarap ako. "Kay Marlo, kahit na anong mangyari 'wag na 'wag kang makikipaglapit sa taong iyon."  Gulong-gulo akong tumingin sa kanila, bakit ba lahat na lang tutol kay Marlo? Ghad! Bakit ano ba talagang mero'n? "Per–" Hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko nang bigla na naman nila akong hilahin. Kapag ako talaga napilay. Tsk kayo rin mag-aalala. Matapos naming makauwi at masermonan ako, mas pinili ko na lang muna tumambay sa palayan.  Andito ulit ako sa malawak na palayan at sa ilalim ng puno ng mangga. Hapon na kung kaya't wala ng tao rito, mahangin at talagang nakaka-relax. Baka rito makapag-isip pa ako ng mabuti. Bakit ba nila ako gustong ilayo kay Marlo? Iyong mga tinginan nila mang Karding at mga magulang ko. Ano ang mero'n sa mga tinginan nila? Alam ko meroon silang itinatago. "Andito ka." Napasigaw ako sa gulat nang biglang umupo sa tabi ko si Marlo. "Anong ginagawa mo rito?" Pagsusungit ko sa kaniya. "Bakit mo ako iniiwasan?" Napabuntong hininga ako sa tanong niya, paano ko naman siya hindi iiwasan kung lahat na lang ng tao sinasabi na layuan ko siya, tapos si Yuna pa. Ghad! "Kayo na pala ni Gabbi, masaya ako para sa inyo." Mahina nitong sabi, hindi ko siya kinibo at hindi ko na sinagot ang mga tanong niya. Mukha atang nakahalata at hindi na niya ako kinulit pa na sumagot. "Alam mo ba ang kwento ng araw at ng buwan?" Napatingin ako sa kaniya, nakatingin naman siya ngayon sa malawak na palayan. "Ano bang kwento nila?" Bahagya siyang napangiti at mabilis na inalis ito. Gosh! Bakit ganiyan ka Marlo? Nalilito na talaga ako sa mga kinikilos mo. "Mabuti naman at nagsalita ka, akala ko hindi ka na marunong magsalita." Napairap ako at tatangkain nang tumayo ng bigla niya akong hinila pabalik. "Ang araw at buwan ay kailan man hindi maaring magsama. Ngunit hindi ito naging hadlang para sa kanilang pag-iibigan." Panimula nito. "Sa tuwing sasapit ang araw siya namang alis ng buwan, pero kahit ganoon ay hindi ito naging hadlang para sa kanila. Batid nila na sa pagdating ng panahon ay maaari rin silang magsama."  Hindi ko namamalayan ang sarili ko na nakatulala na pala sa kaniya habang nagsasalita. "Matagal ang kanilang pag-aantay para sa pagdating ng panahon na ito. Ngunit kaakibat ng kanilang pagsasama ay ang kadiliman na magiging dulot nito sa lahat." Hindi ko napansin na tumutulo na ang mga luha ko lalo pa ng titigan ako nito ng deretsyo sa mata, na tumatagos hanggang kaluluwa. "Maaaring may kaakibat na kadiliman ito, ngunit kailan man ay hindi kayang diktahan ang puso kapag napili na nito kung kanino siya titibok, Caralina."  Sa sandaling banggitin niya ang pangalan ko, alam kong may nais siyang iparating.  Mas lalo akong naguguluhan ngayon, dapat ko nga bang sundin ang dinidikta ng aking puso kahit kapalit nito ay kadiliman? O pipilitin ko pa rin itong ikubli para sa liwanag na nakakabulag? Hindi ko na alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD