Chapter 5

1711 Words
Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako at masakit ang ulo kakaiyak kagabi, maaga nagpunta si Angie sa bahay dahil binilin ako nila lola. Namamaga pa rin ang mga mata ko at walang gana kumain, dinaig ko pa ang broken hearted sa nangyayari sa akin. "Bakit ba namamaga mata mo?" Pang-intriga ni Angie, andito kami ngayon sa may labas nakatambay. "Hindi lang maganda panaginip ko." Napasandal ako sa kinauupuan namin, sa gilid ito ng bahay at gawa sa kahoy na upuan na mahaba. "Ano bang panaginip mo?" Tanong nitong muli. "Basta." Tamad kong sagot dito. Ayokong ikwento dahil baka maiyak na naman ako, baka isipin niyang broken hearted ako kahit wala namang jowa. "Kasi sabi nila may kinalaman daw sa dati mong buhay ang mga nakikita mo sa panaginip mo." Biglang may malamig na hangin ang dumampi sa mukha ko ng sandaling marinig ko iyon. "Totoo ba?" Napaayos ako ng upo at humarap sa kaniya. "Iyong mga napapanaginipan daw natin na para tayong naaapektuhan kapag gising, ay part daw ng nakaraan nating buhay." Naintriga ako lalo sa mga pinagsasabi niya kaya titig na titig ako sa kaniya. "May kakilala si Gino na albularyo si Mang Karding, doon lang sila sa kabila doon sa tito ni Marlo. Kung gusto mo pwede ka namin samahan kasi kaya niya ipaalala sa 'yo ang past life mo raw." Namamangha nitong sabi, mero'n bang gano'n? May tao na kayang ipaliwanag ang mga panaginip?  "Hindi ako naniniwala sa ganiyan." Napataas na lang ako ng isang kilay at tamad na sumandal. Wala naman kasing tao na kaya ipaliwanag ang mga panaginip. Ay basta hindi ako pupunta roon kahit anong gawin nila. Kahit pilitin pa nila ako hindi ako papayag magpunta roon. Kahit pa limang halo-halo, lumpia, siomai o siopao pa ialok nila sa akin hindi ako pupunta sa albularyo na iyon. Never! "Sige po antayin niyo lang si tatay, may pinuntahan po sila sa bayan kasama ang kuya Marlo," saad ng batang babae na mga nasa 10 years old. Inilibot ko ang paningin sa loob ng bahay nila, ganoon sa mga napapanood ko kapag nasa loob ka ng bahay ng isang albularyo, ang daming nakasabit sa paligid at ang daming mga nakabote, may mga parang pang-orasyon na sulat sa pader, nakakatakot. "Tama ba ginagawa natin?" Natatakot kong bulong kay Angie, tatlo kaming andito ngayon kasama na naman namin jowa niya. "Oo, basta 'wag ka na lang matakot sa itsyura ni Mang Karding kasi sunog iyong kalahati ng mukha niya," sagot naman ni Gino na mas lalo akong kinabahan, ibig sabihin nakakatakot mukha niya kasi sunog?  "Andyan na po sila." Pagmamadali ng batang babae at maya-maya pa ay pumasok na si Marlo, napatigil siya nang makita niya ako kaya agad akong napaliko ng tingin. Bakit kasi ganiyan siya tumingin sa akin, parang ang laki ng atraso ko sa kaniya samantalang hindi ko naman siya kilala. Pumasok na si Mang Karding kaya napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Gino, nakakatakot nga ang mukha niya. Sunog ang kanang bahagi ng kaniyang mukha. Pinilit ko maging kalmado para hindi niya mahalata na natatakot ako sa kaniya baka kasi biglang magalit at makulam pa ako. "Anong kailangan niyo rito?" Tumango si Gino at nagsalita. "Ito po kasing si Caralina may gustong malaman tungkol sa panaginip niya." Napangiti ako kahit pilit at umiwas ng tingin, natatakot kasi talaga ako sa kaniya.  Natanaw ko naman si Marlo sa isang gilid habang may sinasalin sila noong batang babae sa mga bote. "Maaari ko bang makita ang palad mo?" Napatingin pa ako kila Gino at Angie na tumango, may pag-aalinlangan kong inabot ang kanan kong kamay pero nagulat ako ng mapatigil ito at tiningnan ang suot kong bracelet na galing kay lolo. Nanlaki ang mga mata nito, salitan akong tiningnan at ang nasa kamay ko. Sa mga sandaling iyon para akong naninigas at nanlalamig sa kaba, maging ang lalamunan ko ay nanunuyo na rin. "Umalis na kayo." Malamig na sambit nito kasabay ng paghawi niya ng kamay ko. "Per–" Hindi na ako nakapagpatuloy pa nang tumalikod na ito at nagsalita. "Hindi ko kaya sa mga oras na ito, pagod lang siguro ako." Napatingin ako kila Angie at Gino na tumayo.  Alam ko may mas mabigat pang dahilan kaya ayaw niyang sabihin sa akin. Pero ano iyon? Bago kami umalis napasulyap pa ako kay Marlo na seryoso ang mukha na nakatingin sa akin at tila may alam sa mga nangyayari. "Masama siguro ang pakiramdam ni mang Karding kaya tumanggi siya," saad ni Gino habang naglalakad kami sa bukiran, wala naman na akong magagawa kung away niya sabihin kung ano ba talaga ang dahilan. "Gala na lang tayo?" Napatigil ako ng sabihin iyon ni Angie. "Tapos iiwan niyo ulit ako?" Pagsusungit ko rito dahilan para matawa sila pareho. Pero wala akong naging choice at kagaya ng inaasahan ko hindi ko na naman alam saang lupalop nagpunta ang dalawa. Hilig maglaho ng dalawang iyon, akala mo may mga powers para bigla-biglang nawawala. Mag-isa na naman akong naglalakad dito sa palengke hanggang sa mapadaan ako sa isang bangketa na may mga ginagawang bracelet, necklace at iba pa na gawa sa kahoy. Ang angas lang kasi live niya itong ginagawa, hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa ginagawa niya. "Kamusta ka na po manang Linda? Mukhang may masugid kang tagahanga rito." Nagulat ako at napalingon sa likuran para makita iyong lalaking nagsalita. Matipuno at mukhang laking Manila siya dahil sa pormahan nito. "Hi, I'm Gabbi Cruz." Pagpapakilala nito habang inaabot sa akin ang kamay niya bilang tanda ng pagbati. "Caralina Montejos." Sabay abot ko sa kamay nito. "Ang ganda ng pangalan mo, hindi nakakapagtaka." Ngumiti ito na halatang magaling mambola, natawa ako at tumalikod sa kaniya upang maglakad na papalayo. "Teka lang." Habol nitong lakad para sabayan ako. "Bago lang ako rito, hindi mo ba ako igagala?" Napahinto ako at natawa sa sinabi niya. "Kung ako nga naliligaw dito igagala pa kita?" Hindi ko alam pero sabay kaming tumawa, parang tanga lang pero ang gaan ng loob ko sa kaniya parang ang tagal na namin magkakilala. "Coffee?" Aya nito na tinanguan ko pero agad akong napatigil ng may bigla akong mapagtanto. "Wala naman coffee shop dito." Saglit kaming napatahimik at muling natawa. "Alam ko na, halo-halo na lang." Agad ko siyang hinila papunta roon sa kinainan namin nila Angie. "Sabi ko sa 'yo masarap dito." Pagmamayabang ko pa sa kaniya matapos niyang masarapan sa halo-halo. "Ano naman ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya. "Kagustuhan ng lola ko." Napatango ako sa sinabi niya bago muling sumubo ng halo-halo. "Ikaw ba?" Agad akong natawa sa tanong niya.  "Pasaway na anak, tumakas." Todo ang galit sa akin nila mama at papa noong nakausap ko sila no'ng nakaraan, pero wala silang magawa dahil palaging nasisiraan ng sasakyan kaya hindi ako makabalik ng Manila. "Kunin ko phone number mo." Sabay abot nito ng cellphone niya, hindi na ako nagpabebe inilagay ko na kaagad. Hindi naman sa crush ko siya, siguro dahil sa parehas kaming bago rito. Puro kami tawanan at kwentuhan tungkol sa Manila at nalaman ko na marami na pala siyang lugar ang napuntahan dahil travel vlogger siya. Sa gitna ng kasiyahan at pagtawa ko napansin ko ang isang familiar na mukha sa gilid namin. Nakaupo siya doon habang nagbabasa ng libro, napatigil ako sa pagtawa at tiningnan siyang mabuti.  Ang gwapo pala talaga ng isang lalaki kapag may hawak na libro, bagay sa kaniya ang pagiging walang reaction niya.  Napalumbaba ako habang nakatitig sa kaniya, wala akong pakialam sa kasama ko ngayon at sa mga dumaraan sa harapan niya basta ang alam ko ang gwapo ni Marlo. "Kilala mo ba siya?" Bumalik lang ako sa katinuan ng kumaway-kaway si Gabbi sa harapan ko. "Ha? H-hindi." Ngumiti ako rito at sandaling sinulyapan si Marlo na ngayon ay nakatingin sa akin, kaya agad kong hinarang sa mukha ko ang isa kong kamay.  "Haaayyy! Ano bang ginagawa mo Caralina?" Bulong ko sa sarili ko habang nakapikit. "Ayos ka lang ba?" Pag-aalala ni Gabbi at hinawakan ako sa noo. "Masakit lang ulo ko, baka napasobra sa lamig." Hinawi ko ang buhok ko saka tumayo. "Sige na pupunta lang ako kay lola, umuwi ka na rin at salamat sa libre." Tumayo na rin siya at ngumiti sa akin. Nag-alok siya na ihatid ako pero tumanggi ako. Bago ako umalis ay tiningnan ko ulit si Marlo na ngayon ay nakatingin sa libro na binabasa niya, hindi ako mahilig magbasa ng libro pero ang lakas pala ng dating ng lalaking nagbabasa ng libro. Sa Manila kasi wala pa akong nakita na lalaking nagbabasa ng libro kaya siguro ganoon na lang ako mamangha sa kaniya.  Pero hindi ko siya gusto, promise. Kumakanta pa ako habang naglalakad nang mapansin ko ang isang ale na nag-aalok ng hula, lumingon muna ako sa paligid at lumapit dito. Hindi ako naniniwala sa hula at first time ko ito kaya med'yo kinakabahan ako. "Papahula po ako." Sabay abot ko sa kaniya ng kanan kong kamay, nang tingnan na niya ang guhit ng palad ko ay biglang nanlaki ang mga mata nito at gulat na tumingin sa akin. Ang weird talaga ng mga tao rito, bakit palagi silang nagugulat tapos hindi naman sasabihin kung bakit. "Napakasaklap ng kapalaran mo." Sabay iling nito dahilan para hilahin ko ang kamay ko palayo. "Wag na nga lang," sambit ko rito bago ako tumalikod pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang bigla itong nagsalita. "Sa pagbilog ng buwan, sa puno ng akasya doon mo matatagpuan ang lalaking mamahalin mo, pero sa sandaling iyon ay kailangan mong pigilan ang magiging damdamin mo para sa taong ito." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya dahil para akong na estatwa sa kinatatayuan ko ngayon, at walang pakialam sa mga taong bumabangga sa akin. "Dahil sa sandaling mahalin mo siya ay maari kang mamatay o siya." Mga salitang sinabi niya para makaramdam ako ng kakaibang takot, lalo na sa huli nitong sinabi bago ako tuluyang umalis. Salitang mas nagbigay sa akin ng napakaraming katanungan dahil sa puntong ito at ang mga salitang binitawan niya, ang mga katagang palaging ibinibilin sa akin nila mama simula bata pa lang ako. "Bawal kang magmahal dahil ang pag-ibig ay kailan man hindi maitatadhana sa 'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD