Chapter 18

1196 Words
Pagdating ni Matthew sa club, agad siyang umorder ng alak. Isang bote agad. Mabilis naman dumating ang order niya. Nagsalin agad siya sa baso saka iyon nilagok. Gumuhit ang pait no’n sa lalamunan niya pero hindi niya ’yon pinansin. Mas mapait ang nararamdaman niya ngayon. Nawalan siya ng kaibigan pagkatapos masisira pa ang pangarap niyang pamumuhay. Muli siyang lumagok ng alak hanggang sa sunod-sunod na siyang uminom. “Bro.” Tinapik siya ni Kael bago ito umupo. “Mukhang nakakarami ka na,” sambit nito ng mapansin na paubos na ang isang bote ng alak. Hindi siya sumagot, bagkus itinaas niya ang kamay para tawagin ang waiter at muling nag-order ng alak. “Kaya mo pa bang uminom?” tanong nito. Tiningnan niya ito. “Tss. Kaya ko pa, Kael, kung ayaw mo ako kainuman pwede ka ng umuwi,” wika niya at muling lumagok ng alak. “May problema ka ba?” tanong nito. Dumating na rin ang waiter dala ang order niya. Tinanggap iyon ni Kael at nagsalin sa sariling baso. “Marami.” “Akala ko ba tapos na ang problema mo? Masaya ka pang nagkuwento tungkol kay Stella, right?” tanong nito. Mapait siyang napangiti ng mabanggit nito si Stella. “She got fired,” aniya. Napakunot ang noo nito. “Fired? Saan?” usisa nito. Hindi nito alam na katulong nila si Stella. Dahil ng minsan siyang magkwento rito ay wala siyang ibang sinabi kundi kaibigan lang. “Kasambahay namin si Stella pero mabuti siyang tao. Naging magkaibigan kami, naging magaan ang loob ko sa kanya pero ngayon galit na siya sa akin. Idagdag pa si mommy, she is starting to control my life. She has decided to have a fixed marriage with me,” kwento niya. Hindi siya madaldal na tao pero kapag ganitong problemado siya, hindi niya mapigilang magkwento. Pakiramdam niya kasi ang bigat-bigat sa dibdib niya kapag hindi niya nilalabas. Naaapektuhan din ang trabaho niya kaya malaking kawalan sa kanya si Stella. “W-wait, you mean, that girl was a maid? Paanong naging magkaibigan kayo? And bakit parang biglaan naman yata ang desisyon ni tita?” tanong nito. Mapait siyang napangiti saka lumagok ng alak bago magsalita. “Something happened between us. Natuklasan ni mom. She saw us inside my room covered with a comforter,” sambit niya. “What? You did it again? Kaya siguro nagdesisyon na si tita dahil sobra ka na. Bakit naman kasi pati kasambahay ninyo pinatulan mo?” tanong nito. “Sexy siguro, no?” dagdag nito. “Tss. Nakainom lang kami at nangyari na ’yon. Hindi ko naman ginusto pero si mommy kung makapagdikta sa buhay ko parang wala na akong karapatan,” sagot niya at muling lumagok ng alak. “Mabigat nga ’yan, ano ang plano mo? Alam kong ayaw mo pang matali. Well, kahit naman ako ayoko rin tapos sa taong hindi ko pa gusto. Sino ba ang babaeng iyon?” tanong nito. “Sofia Nieves.” “Ah, ang mga Nieves. Mayaman sila at kilala rin sa business. Isa pa, maganda naman si Sofia,” sambit nito. “I don't care. Ayoko pang magpakasal, Kael.” Muli siyang lumagok ng alak. Hindi niya alam pero ayaw niya talaga. Although madalas naman sabihin ng kanyang ama na kapag na inlove siya, baka siya pa mismo ang magkusa magpakasal. Hindi niya iyon naiintindihan dahil ang gusto lang niya ay mag-enjoy. Kung ano man ang sinasabi ng kanyang ama ay ayaw niyang maramdaman ’yon. “Baka kapag na in love ka, maging alipin ka,” biro nito. Tiningnan niya ito ng masama. “Hindi ako magpapaalipin sa pag-ibig dahil hahadlangan lang niyan ang gusto ko sa buhay,” wika niya. Napangiti si Kael. “Sige, ikaw rin, baka kainin mo ’yang sinasabi mo,” natatawang sambit nito. Hindi na siya sumagot pa dahil malabo namang mangyari iyon sa kanya. “Order pa ako ng alak. Itagay na lang natin ’yang mga problema mo!” sambit nito at kasabay no’n na may dalawang babae ang lumapit sa kanila. Pinaupo ito ni Kael. Wala siya sa mood sa babae ngayon pero hinayaan na lang niya. ** Sa kabilang banda naman, nasa kwarto na sina Elvira at Melvin nila. Nakasandal sila sa headboard ng kama. “Hon, can we talk?” tanong ni Elvira sa asawa. Kasalukuyan itong nagbabasa ng libro. Sinarado nito iyon at lumingon sa kanya. "Tungkol saan?” tanong nito. Umayos siya ng upo at humarap dito. “Gusto ko sana na i-arrange marriage si Matthew sa anak ng mga Nieves,” panimula niya. Napaayos ito ng upo. “Nakausap mo na ba sila?” tanong nito. “I am not against your plan pero kausapin mo muna si Matthew. Alam kong hindi siya papayag, kilala mo naman ang mga anak mo,” sambit nito. Ngumiti naman siya. “Nakausap ko na siya. Actually, ang mga Nieves na lang ang hinihintay ko. Nagkausap na kami ni Patricia at pauwi sila sa katapusan ng buwan,” kwento niya. “Okay, ikaw ang bahala. Basta walang magiging problema, okay sa akin,” sagot nito. Napangiti siya at tumango. “Thanks, hon,” wika niya. “Matulog na tayo,” anito at humiga. Humiga na rin siya sa tabi nito at yumakap sa asawa. ** Sa kabilang banda, nasa labas ng bahay nila si Stella. Nagpapahangin siya habang pinagmamasdan ang kalangitan. Maaliwalas itong tingnan dahil sa dami ng bituin na nakikita. Pero kahit maganda ang kalangitan, hindi niya mapigilan na isipin si Matthew at ang ginawa nito. Akala niya magkaibigan sila pero sa ginawa nito kanina ay pakiramdam niya, niyurakan din nito ang pagkatao niya. “Pare-pareho nga siguro ang mga mayayaman pagdating sa pera,” bulong niya. Sumandal siya sa dingding ng bahay nila at napabuntonghininga. Unti-unti na niyang naaalala ang nangyari sa kanila ni Matthew at aminado siyang may mali siya sa nangyari dahil nagpadala siya. At ang pagkakamali na iyon ang nagdala sa kanya sa ganung problema. “Sana kasi hindi na lang ako uminom, hindi sana ako namomroblema ng ganito. Maganda sana ang sahod ko at napapag-aral ko sana ng maayos si Sky pero dahil sa nangyari nagigipit tuloy kami.” Nahihirapan siya dahil kinukuha na niya ang bawat sahod niya sa araw-araw para may ipambili ng ulam at pambaon ni Sky. Hindi iyon alam ng kanyang ama dahil baka kuhain na naman. Pero alam niyang magagalit ito kapag nalaman na pinagtataguan niya ito ng pero kung hindi naman niya gagawin iyon, si Sky ang mawawalan. Gustuhin man niyang humanap ng ibang extrang trabaho pero walang tatanggap sa kanya dahil nga physical niyang anyo. Tanging si Aling Perla lang ang totoong tumatanggap at nagmamalasakit sa kanya. Muli siyang napabuntonghininga at napansin ang pagdilim ng kalangitan. “Mukhang uulan pa yata,” sambit niya. Nagpasya na siyang tumayo at pumasok sa loob. Wala pa ang kanilang ama, malamang nasa kung saang inuman na naman ito. Sinarado niya ang pinto at dumiretso na siya sa kwarto. Nadatnan niyang mahimbing na natutulog si Sky. Lumapit siya rito at inayos ang kumot nito bago siya pumunta sa kanyang higaan. Humiga siya at nagpasyang matulog, dahil bukas, panibagong araw at pagtatrabaho na naman ang gagawin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD