chapter eight

1310 Words
“Sabi nya, gusto niya munang klaruhin sa sarili niya dahil hindi pa raw siya handa” sabi ni Andrew nang hapon na iyon. Nasa dati silang tambayan sa likod ng business management building. Naroroon silang tatlo. Taimtim na nakikinig si Meri kay Andrew habang malungkot nitong pinapahayag sa kanila ang narinig galing kay Olivia. Tumingin si Meri kay Andrew Diba dapat masaya siya sa nangyari? Pero bakit ganoon? Kung nakikita niya si Andrew na nasasaktan ay lalo siyang nasasaktan? Iyon ang laman ng isipan ni Meri habáng nakatitig sa lalakiu. Hindi man nito sabihin na nasaktan ito ni Olivia, ramdam niya ito. “Baka, hindi pa handa si Olivia, bes? Baka pag iisipan niya muna kasi bago lang kayo nagkakilala…” wika ni Meri para aluin ang kaibigan. Si Kath naman ay tahimik nakatingin lang sa kanila. Hindi nagsasalita. Hindi kasi nito alam kung ano ang sasabihin. Kaya pinili nito na manahimik. Sa isipan nito ay masaya ito para kay Meri, para sa nararamdaman ng bestfriend niya sa pinsan. - Nang hapon na iyon, ay buo na ang loob at desisyon niyang sabihin kay Andrew ang kanyang nararamdaman para dito. “Push mo yan, bes! Nandito lang ako sa likod mo…”tugon at suporta ni Kath sa kanya. Nang sabihin niya iyon kay Kath. “At isa pa, wala namang girlfriend si Andrew. Malay mo,bes, di ba?” Patuloy pang sabi ni Kath. “ Sasabihin ko lang kung ano ang tunay na nararamdaman ko kay Andrew, bes. Pero ayoko na paasahin ang sarili ko. Dahil ayokong umasa at masaktan lalo” pahayag niya. Pero, ang totoo andoon parin ang pag-asa na baka-sakaling mapabaling ang pansin at pagtingin sa kanya ni Andrew. “Basta, andito lang ako palagi sa likod mo, bes” yon na lamang ang nasabi ni Kath. Hindi na ito nagdagdag ng kung anupa, dahil tama naman si Meri. Baka, mas lalo lang masaktan kung umasa pa. Mga pasado na 5pm nang dumating si Andrew sa tambayan nila. Umalis kasi ito, pagkatapos ng klase nila. Tumungo sa gym dahil may practice ng basketball, gaya ng high school sila varsity player din ito ng basketball. At may balak din na tumakbo as student council officer sa gaganapin na college election. President rin. Tinawagan nito si Kath bago tumungo sa dating tambayan para maseguro na naroroon pa ang mga kaibigan. Si Kath ay abala sa pagawa ng assignment nila para sa second subject nila kinabukasan. Si Meri naman ay sinadyang hintayin si Andrew nang hapon na iyon. Buo na kasi ang desisyon nya…na sabihin kay Andrew ang lihim niyang nararamdaman sa lalaki. Nakita nilang papalapit na si Andrew sa cottage na kinaroroonan nila. “Parang may kasama yata si Andrew?” Wika ni Kath nang mamataan na may kasamang babae si Andrew. Parehong papalapit ang dalawa sa kanila. Tumayo si Meri mula sa inuupuan at tiningnan nga si Andrew, gusto niya rin kumpirmahin ang sinabi ni Kath. Gaya ng sabi ni Kath, natanaw nga niyang may kasama si Andrew. Familiar ang babae dahil iyon ang babaeng nasa picture na pinakita sa kanila ni Andrew. Si Olivia! “Mga bes! Pasensiya kung ngayon lang ako nakapunta rito” wika ni Andrew nang nasa cottage na ito kasama si Olivia. Saka tumingin ito kay Olivia na may magandang ngiti sa mga labi. “After kasi ng ensayo namin sa basketball, hinintay ko na rin siya na matapos sa cheerdance.” Dagdag nito. Saka mas lalong lumapad ang ngiti. “Siyanga pala, si Olivia, ang sinasabi ko sa inyo….kami na!” Nanlaki ang mga mata ni Kath nang marinig ang huling salita na sinabi ni Andrew. “Kayo na?” Nagulat na tanong ni Kath. Si Meri naman ay hindi pinahalata na natigilan. Nang marinig niya ang sinabi ni Andrew ay parang nag-echo sa kanyang pandinig ang mga salita na: ’’kami na…” ilang beses iyon na nagpaulit-ulit. Nakita niyang tumango si Olivia na may nakapostura na ngiti sa mga labi nito. “Nakita ko kasi na worth it naman si Andrew na maging boyfriend.” Wika nito at nakita niya rin nang hawakan ni Andrew ang kamay ni Olivia. Magkahawak kamay ang dalawa. “My God! Kaya ko pa kaya to?” Nawika nya sa kanyang sarili. Napasulyap si Kath sa kanya, dahil ng sandaling iyon. Alam nito kung ano ang feeling niya. At alam nito na lihim siyang nasasaktan….kung hindi nya lamang pinipigian ang sarili niya ay umiyak na siya… “Congrats!” Iyon ang lumabas sa kanyang bibig. “Ang totoo bagay na bagay kayong dalawa.” Dagdag pa niya. Iyon nga ba ang totoong gustong sabihin ng puso niya? O defense mechanism niya lang iyon, para takpan ang panghihina ng puso niya? Napakunot ng noo si Kath nang marinig na sabihin niya iyon. Hindi niya na rin nasabi ang plano niyang sasabihin kay Andrew. Dahil ayaw na niyang manggulo. Ayaw na niyang guluhin pa ang kung anong may relasyon ang kaibagan niya kay Olivia. Masaya na ito at ayaw na niyang sirain pa iyon. Nakita niyang masaya si Andrew habang magkausap at magkasama sila ni Olivia. Ang mga ngiti nito ay halatang kakaiba. Sa mga ngiti sa kanilang mga kaibigan nito. “Bes, okay ka lang?” Tanong ni Kath sa kanya nang magpaalam na sina Andrew at Olivia na naunang umuwi sa kanila. Tumango siya. “Oo, okay lang ako bes.” Sagot niyang may kiming ngiti. “Ang totoo, masaya ako na makita na masaya si Andrew” yon nga ba ang gustong sabihin ng puso niya? Bakit ang tanga niya talaga? Mahilig siyang mag-deny at mahilig siyang magkunwari? Ganon na lang ba siya habang buhay? Na habang buhay niyang titiisin ang sakit ng nararamdaman niya at itago? Tumingin si Kath na may pag-aalinlangan at naawa rin siya sa kaibigan. Alam nitong hindi iyon totoo ang sinasabi ni Meri. Alam nitong on denial na naman ang kaibigan sa totoong nararamdaman nito. “Mag-aalas na hindi ka pa ba uuwi?” Tanong ni Kath na napatingin pa sa wrist watch. “Mamaya na ako uuwi, bes. Mauna ka na lang seguro” sagot niya. “Segurado ka?” Ani Kath saka tumango lang siya. Nauna nga si Kath, pero ilang saglit lang ay kumilos na rin sya para umuwi. Bitbit ang bag mabigat ang mga hakbang niya habang naglalakad. Nang mapadaan siya sa sementadong upuan, ay napaupo siya. Feeling niya ang bigat-bigat ng kanyang pakiramdam. Hindi na niya napigilan ang sarili, at tahimik na napaiyak…. “Miss, gamitin mo to ang panyo ko” napatingin siya sa lalaki na may hawak na kulay puting panyo. Tumingala siya sa nakatayong lalaki na meron pang bakas ng luha ang kanyang ang mga mata at pisngi. “Ganun talaga, minsan kailangan mo munang maramdaman ang sakit. Na masaktan ka bago mo matagpuan ang taong darating para sayo.” Pahayag ng lalaki. Ngumiti ito. “Balang araw maiintindihan mo kung bakit” patuloy nito at muling iniabot sa kanya ang hawak nitong panyo. Kinuha niya iyon. “Maraming salamat ha?” Aniya na nagtataka pa kung bakit nito nalaman ang dahilan kung bakit umiiyak siya. “Syanga pala, aalis na ako ha? May mahalaga kasi akong patutunguhan” anang lalaki saka tumalikod at umalis. Pinahiran niya ang kanyang mga luha at magsalita pa sana…pero napansin niyang wala na ang lalaki sa tinatayuan nito. Hindi niya kasi narinig nang huli itong magsalita at nagpaalam na umalis. “Saan na ba yon?”wika nya sa sarili, saka tumayo, nilibot pa ng tingin ang buong lugar para makita ito. Pero, hindi na niya nakita. Saka niya napansin ang nakaburdang sulat sa panyo. “Wag kang mag-alala, darating ang taong para sayo sa tamang panahon… Tadhana” Tahimik na binasa niya iyon. “Si Tadhana ba yon?” Natanong niya sa kanyang sarili at nakaramdam ng lamig sa balat. Ang lamig…na parang kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD