chapter seven

1447 Words
“Bes… bakit ganun?” muling sambit ni Meri habang humihikbi, nakayakap pa rin kay Kath. Hindi agad nakasagot si Kath. Hinagod lang nito ang likod niya, pilit pinapakalma ang nanginginig niyang balikat. Hanggang sa… “Uy… ano’ng nangyayari?” Naputol ang sandaling iyon nang marinig nila ang boses ni Andrew. Nasa harap na nila ito. Hawak pa ang paper bag na siguro galing sa canteen o gym area. Pero ang ngiti nito kanina ay wala na. Napalitan ng pagtataka. “Bakit umiiyak si Meri?” tanong nito, bahagyang lumapit. Sandaling nagkatinginan sina Kath at Meri. Parang may gustong sabihin si Kath, pero pinigilan niya lang ang sarili. “Wala,” mabilis na sagot ni Meri, pinupunasan ang luha gamit ang likod ng kamay niya. “Napuyat lang siguro ako.” Hindi kumbinsido si Andrew. “Sure ka?” mahinang tanong nito habang nakatingin sa kanya, tila sinusubukang basahin kung ano talaga ang nasa likod ng mga mata niya. Tumango si Meri, pero halatang pilit. “Okay lang ako.” Sandali silang natahimik. Parang may gustong sabihin si Andrew, pero hindi niya alam kung paano sisimulan. “Kung may problema ka… pwede mo naman sabihin sa akin, bes,” sabi nitong nasa mahina ang boses. Napakagat labi si Meri. Kaya ba niya? Kaya ba niyang sabihin na masakit? Na tahimik siyang nasasaktan sa sulat na siya mismo ang nagbasa? Hindi. Hindi niya kaya. Kaya ngumiti na lang siya. “Wala talaga, Andrew. Seryoso.” “Ah… okay.” Sabi lamang ni Andrew at isang saglit pa siyang tumingin kay Meri. Parang may pag alinlangan pero sa huli, tumalikod din ito. “Mauna na ako sa gym… andun si Olivia.” “Kakarating mo lang, cuz. Aalis ka naman agad?” Tanong ni Kath. “Dumaan lang naman ako dito, kasi alam kong nandito kayo. Magpapaalam lang sana ako na hindi ako makasabay lunch. Dahil sabay na lang daw kami ni Olivia.” Wika nitong muling ngumiti.” Niyaya niya ako na sabay na raw kaming mag-lunch” dagdag nito. “Okay,” mahina na sagot ni Meri. Umalis si Andrew. At sa paglayo nito, doon lang muling bumigay si Meri. Hindi lang luha kundi tahimik na pagiyak na walang ingay. Si Kath agad siyang niyakap ulit. “Bes… tama na,” bulong nito. “Hindi mo kailangang magpanggap palagi na okay ka.” Ako ni Kath sa kanya. Pero si Meri, nakatingin lang sa direksyon kung saan umalis si Andrew. Mahina ang boses niya nang magsalita. “Bes… bakit parang ang sakit magmahal ng tahimik?” Ani Meri na parang pati boses niya ay pagod na rin. Humigpit ang hawak ni Kath sa kanya. “Tinitiis mo kasi kahit na nasasaktan ka na,” mahinang sagot nito. “At ikaw kasi… pinipili mong mag-isa sa laban.” Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang tahimik. Saka napapikit. Kasi totoo. Kasi natatakot siyang kapag nagsalita siya, tuluyan nang mawala kahit ang maliit na space niya sa buhay ni Andrew. “Bes, naalala mo kanina ang sinabi ko na may sasabihin ako sayo?” Nagpatuloy sa pagtanong si Kath. Tumango lamang siya. Saka kumilos si Kath, binuksan ang pag nito. Nang humarap ulit sa kanya may hawak na ito na isang maliit na libro. “ Subukan mo itong basahin, bes. Baka kahit papaano ay makatulong sayo” wika ni Kath at iniabot sa kanya ang libro. “It's Time to Move On, Tanga!” Tahimik na binasa iyon ni Meri saka napatingin kay Kath. “Sa tingin mo kaya, bes. Ganun na ako katanga?” Mahinang tanong niya. “Parang,bes. Parang ganon na nga” sagot ni Kath. “Kasi harap-harapan ka ng nasasaktan pero hindi ka parin tumitigil…kinikimkim mo lang ang sakit na nararamdaman mo, bes” dagdag pa nito. Tumahimik si Meri at napatungo na lamang sa sinabi ng kaibigan. “ Basahin mo yan, bes. Baka sakaling makatulong sayo…May topic dyan na paano mag move on kung na in-love ka sa bestfriend mo, na ikaw lang ang nagmamahal” patuloy ni Kath. “Seguro,bes ñ, mas mainam kung sabihin mo kay Andrew kung ano talaga ang totoo mong nararamdaman. Mas mabuti kung honest ka sa kanya” muling sabi ni Kath. “Pero, bes, natatakot ako…paano kung bigla niya nalang ako layuan?” Nag-aalala niyang sagot sa kaibigan. “ At least, di ba? Hindi ka naging unfair sa sarili mo. Kung kalayuan ka niya, accept the fact na ganon talaga,bes” ani Kath. “Don't worry, hindi ko magagawang iwan ang bestfriend ko” dagdag ni Kath na nagawa pang kumindat para mapagaan ang tensyon sa sandaling iyon. Pilit na ngumiti si Merl. Kahit paano ay medyo naibsan ang kanyang nararamdaman sa tinuran ng kaibigan. Kung sabagay, tama si Kath. Di naman na habang buhay niya itatago kay Andrew ang nararamdaman niya para dito. Kaya, buo na ang desisyon niyang sabihin iyon….sabi niya sa kanyang isipan. Sa gym “Andrew!” Napalingon si Andrew sa boses ni Olivia. Nakatayo ito malapit sa court, suot ang sporty outfit. Halata na galing lamang sa cheerdance practice. “Ang tagal mo,” sabi nito habang nilalapitan siya. “May ginawa lang ako,” sagot ni Andrew, bahagyang nahihiya pa rin pero halatang masaya. “Binasa ko yung letter mo,” dagdag ni Olivia. Biglang nagliwanag ang mukha ni Andrew. “Oh… really? So? Ano’ng—” naputol ang pagkasabi ni Andrew nang biglang tumugon si Olivia. “Ang cute.” putol nito sa tanong ni Andrew. “Cute lang?” pabirong tanong niya, pero may kaba sa likod nun. Ngumiti si Olivia, pero hindi agad sumagot. “Alam mo, Andrew…” nawika nito nang kinalaunan, “I appreciate it. Yung effort mo, yung sulat… rare na kasi yun ngayon.” Napangiti si Andrew umaasang susunod ay mas malalim pa. - “Bes,” mahinang tawag ni Kath. Hindi sumagot agad si Meri. Hanggang sa— “Baka… mali talaga ako,” bulong niya. “Hindi ka mali,” agad na sagot ni Kath. “Nasasaktan ka lang.” Napangiti si Meri ng mapait. “Same lang ‘yon, bes.” Kath looked at her, serious. “Hindi.” Huminga siya ng malalim. “Ang mali… yung hindi mo pinipili ang sarili mo.” Napatigil si Meri. Parang tumama kasi sa kanya ang sinabi ni Kath. Maya-maya ay nag-ring ang phone ni Kath. Tiningnan niya. “Bes… si Andrew,” bulong niya. Napatitig si Meri. Parang gusto niyang pigilan si Kath. Pero huli na. Sinagot na nito. “Hello?” sagot ni Kath sa phone, habang nakatingin kay Meri na ngayon ay parang pinipigilan ang sariling kabahan. Naka-loud speaker iyon. Sinadya ni Kath para pareho nilang marinig ang usapan. Hanggang sa marinig nila ang boses ni Andrew sa kabilang linya. “Bes… si Meri ba kasama mo?” Napakurap si Kath. “Oo, andito siya. Bakit?” Sandaling katahimikan mula sa linya. “Pwede mo bang pakisabi… kung okay lang siya?” mahinang sabi ni Andrew. “Parang… iba kasi yung pakiramdam niya kanina.” Napatitig si Kath kay Meri. “Andrew,” mahinang sagot ni Kath, “okay lang siya. Pagod lang siguro.” ani pa nito. “Ganun ba…” sagot ni Andrew, pero halatang hindi pa rin convinced. “Sabihin mo sa kanya… sorry kung may nagawa akong hindi niya nagustuhan.” Napasinghap si Meri nang marinig iyon. Parang may tumama sa dibdib niya. Agad niyang inagaw ang phone kay Kath. “Andrew…” Tahimik sa kabilang linya. “Hindi mo kailangang mag-sorry,” mahinang sabi niya, pilit pinapakalma ang boses. “Wala kang ginawang mali.” Sandaling katahimikan sa kabilang linya. “Pero bakit parang umiiyak ka kanina?” hanggang sa narinig ni Meri na tanong nito. Huminga siya ng malalim. “Andrew…” mahina niyang sabi. “Basta… okay lang ako.” Isang maikling pause. Tapos narinig niya ang boses ni Andrew na mas malambotvang tono. “Okay… pero andito lang ako ha.” Napapikit si Meri. Doon na tuluyang bumigat ang dibdib niya. “Thank you,” bulong niya. At pinutol na niya ang tawag. Si Kath tahimik lang na nakatingin sa kanya. “Bes…” mahinang sabi nito. Si Meri, tumingin lang sa malayo. Hindi siya umiiyak. Pero feeling niya basag na basag ang puso niya. “Mas masakit pala,” bulong niya, “kapag andyan siya… pero alam mong ibang babae ang mas mahalaga sa puso niya….” Hindi na nagsalita pa si kath. Dahil naiintindihan niya ang na nararamdaman ni Meri. — Please comment below kung naranasan mo na rin ba ang ma-in love sa best friend mo? Ano ang feeling….? Please follow at Add in library para masundan ang bawat kasunod na chapter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD