Dear Olivia,
Hindi ko alam kung paano sisimulan, pero gusto ko lang sabihin na matagal na kitang hinahangaan. Noong una pa lang kitang nakita, may kakaiba ng nangyari sa araw ko.
At habang tumatagal, sa tuwing nakikita kita, parang bigla akong napapangiti kahit wala namang dahilan… o baka gumagaan lang talaga ang araw at pakiramdam ko sa tuwing masilayan ko ang maamo mong mukha.
Hindi pa tayo matagal magkakilala, pero simula nang magkakilala tayo, ang gaan mo kausap at ang sarap mong kasama—even sa simpleng usapan lang. Nakakatuwa kung paano mo napapasaya ang ordinaryong moments., kaya parang ayaw kong matapos ang mga sandali na kasama kita.
Hindi ko pa alam kung saan ito papunta, pero gusto ko lang maging honest—masaya ako na nakilala kita, na naging dahilan ka ng mga ngiti ko.
Sana mas makilala pa kita… kahit dahan-dahan.
At kung papayagan mo, gusto kong maging dahilan ng ilan pang mga ngiti mo. At hopefully someday, ay maging parte ng puso mo.
Andrew
Nang matapos iyon basahin ni Meri ay parang kinurot ang puso niya. How she wish na sana para sa kanya ang sulat na iyon.
-
Hanggang sa mga sandali na iyon sa tuwing maalala ni Meri ang love letter ni Andrew para kay Olivia ay malinaw parin sa kanyang isipan ang bawat linya sa sulat. Oo, inaamin niya na parang nagdurusa at nagdurugo ang puso niya sa tuwing maalala iyon.
“Ang galing mo pa lang gumawa ng love letter, Andrew” pahayag niya sa kanyang sarili. “Kung, gagawa ka ng love letter para sa akin, ganun din kaya?” Dagdag pa niya at napahinga ng malalim.
Alam niya, imposible na mangyari iyon…dahil iba ang gusto ni Andrew. At hindi siya ang tipo ng babae na gusto nito. Kung mangyayari man yon seguro….isang malaking kahilingan niya sa Poong Maykapal na dininig Nito ang panalangin niya.
Nagbago siya ng posisyon sa paghiga saka tiningnan ang oras sa alarm clock na nakapatong sa bedside table niya. Alas onse pasado na, pero hindi pa siya dinadalaw ng antok.
Kinabukasan.
Si Kath lang mag isa ang nakita niyang nakaupo sa classroom. First subject nila nang umaga na iyon. Maaga siyang tumungo ng school, pero mas maaga pang dumating si Kath sa classroom. Nagbabasa ito ng notes, may pagsusulit kasi sila sa subject nila. Usually, si Andrew ang pinaka unang dumadating at nakikita niya sa upuan. Sa tuwing dumating siya, palagi siyang pangalawa. Pero nang sandaling iyon, wala pa si Andrew. Lumapit siya malapit sa kinaroroonan ng inuupuan ni Kath. Magkahanay kasi silang tatlo sa upuan. Si Kath, si Andrew at siya. Oo, magkatabi sila ni Andrew. Kaya nga palagi siyang lihim na nagdi- day dreaming pag katabi ito.
“Bes, andiyan ka na pala” wika ni Kath nang makalapit na siya.
“Ah, si Andrew, ba? Dumating na siya kanina pa” dagdag pa ni Kath nang makita siyang napasulyap sa upuan ni Andrew.
“Ang totoo, mas maaga pa yon dumating dito. Nagpaalam lang, pinuntahan si Olivia dahil ibibiigay niya raw ang love letter na ginawa niya” patuloy ni Kath na nasa mahinang boses.
“Excited lang yon seguro na ibigay ang sulat.” May kimi na ngiting sagot niya nang makaupo na. Pretending to be okay…pretending na okay lang ang lahat pero ang totoo questionable ang puso niya.
Hindi na nagsalita si Kath, pero tahimik nitong pinisil ang kamay niyang nakapatong sa arm chair. Dahil naiintindihan nito kung ano ang tunay na nararamdaman ng kanyang saloobin.
“Bes, mag usap tayo mamaya ha? Na tayong dalawa lang…May sasabihin ako sayo.”
“Pwede mo naman sabihin ngayon, bes.” Aniyang napakunot pa ng noo
“Mamaya na, kapag tayong dalawa na lang.” Sagot nito na napabuntong hininga pa pagkatapos nitong magsalita.
During break time, hindi na sumabay sa kanila si Andrew. Pupunta daw ito sa Gym dahil naroon si Olivia. At sinabi rin nito na pinapupunta daw ito ni Olivia sa gym daihil May sasabihin ito kay Andrew, pagkatapos na ibigay ni Andrew ang love letter.
Naikwento pa ni Andrew sa kanila ang nangyari nang ibigay nito ang sulat kay Olivia.
“Mabuti na lang, maaga kong pinuntahan si Olivia” nakangiti at nangingislap pa ang mga mata nito habang nagsasalita.
“Alam nyo bang natuwa siya nang ibigay ko sa kanya ang sulat? Sabi pa niya, pwede ko naman daw siya itext.” Patuloy nito. “Pero ang sabi ko, mas prefer ko na idaan iyon sa sulat dahil gusto kong mag-effort at ganon siya kahalaga sa akin” dagdag ni Andrew. Nanatiling nakangiti, nakaupo sila sa loob ng silid. agad itong nagkwento pagdating sa classroom. Excited ito, at parang walang pakialam kung marinig man ng iba.
Si Meri, nakangiti din habang nakikinig sa kwento ng kaibigan. Pero ang puso niya, kamusta naman?
Kaya hindi na sila nagtaka ni Kath kung bakit hindi sumama si Andrew sa kanila ng mga sandaling iyon. Dahil excited na ito na makita si Olivia.
“Bes, okay ka lang ba?” Tanong ni Kath ng dalawa na lang sila sa likod ng Business Management building. May dala rin silang snacks, mayroon kasing cottage doon. Bago sila tumungo sa nakasanayan nilang tambayan na magkakaibigan ay dumaan muna sila ng canteen.
“Oo naman, bes. Kanina mo pa ako tinatanong ng ganyan, ah. Wala naman akong sakit” May ngiting nakapostura sa labi ni Meri nang sabihin iyon.
“Segurado ka? Ang totoo, bes” muli siyang tinanong mo Kath. Sa puntong iyon ay mas lalong sumeryoso ang mukha nito at seryoso din ang tanong.
“Oo nga, ang kulit mo naman bes!” Sagot niya na ngayon ay napaiwas ng tingin kay Kath. Nagkunwari siyang kinuha ang mga snacks niya na binili nila sa canteen. Pero ang totoo ay wala siyang ganang kainin iyon.
“Talagang kukulitin kita pag di mo sinabi ang totoo” sagot ni Kath.
“Hangga't di mo inilalabas kung ano ang totoo mong nararamdaman.” Dagdag ni Kath.
“Magbestfriend tayo, kaya kilala kita dahil matagal na kitang kilala, bes. High school pa lang tayo at alam ko na May tinatago lang sakit sa iyong kalooban. Kung, May gusto kang ilabas para mapagaan ang bigat sa puso mo…handa akong makinig, bes” pahayag pa nito.
Doon na touch si Meri, sa sinabi ng kaibigan.
‘Bakit ba, tinatago niya ang totoo niyang nararamdaman? Bakit ba, palagi na lang siya in denial kahit ang bigat bigat na sa kanyang pakiramdam?’
Iyon ang mga katanungan na umikot sa kanyang isipan bago yumakap ng mahigpit kay Kath.
Hindi na niya napigilan ang sarili nang napaiyak.
Hinagod ni Kath ang kanyang likod para aluin siya.
“Bes, bakit ganun?” Natanong niya kay Kath sapagdaka habang lumuluha.
Maya-maya ay biglang dumating si Andrew, nagtaka ito nang makita si Meri na umiiyak.