Biglang tumunog ang cellphone ni Meri. Napatingin silang lahat sa kanya. Nakita ni Meri ang pangalan ng tumatawag. Ang kanyang ina. Agad niyang sinagot. "Mom?" Ngunit sa kabilang linya... Narinig niya ang umiiyak na boses ng kanyang ina. "M-Meri..." Biglang nanlamig ang kanyang katawan. "Mom? Ano'ng nangyari?" Napalunok siya nang marinig ang paghikbi nito. "Ang daddy mo..." Tumigil ang mundo ni Meri. "Anong nangyari kay Daddy?" "Dinala siya sa ospital..." Pakiramdam niya ay nawalan siya ng hangin. "Ma!" "Na-stroke siya, anak..." Nabitawan ni Meri ang hawak niyang liham. Bumagsak iyon sa sahig. Nanlaki ang mata nina Kath at Aldrin. Samantalang agad na lumapit si Andrew. "Meri?" Namumutla na ang mukha ng babae. "M-Ma..." Hindi na niya marinig ng maayos ang mga sumun

