Pagkasunod na araw.... Hindi agad napansin ni Meri ang mga supot na nakapatong sa mesa ng ospital room ng kanyang ama. Mga prutas, pagkain, at ilang inumin na halatang pinili ng maingat—hindi basta dala lang, kundi may pag-iingat at malasakit. Napalingon siya sa nurse. “May nagdala po niyan kanina lang,” sabi nito. “Kasama rin po ang isang liham.” patuloy pa ng nurse. Kinuha ni Meri ang sobre. Simple lang ang pagkakasulat ng pangalan ng kanilang pamilya, pero kilala niya kung kanino galing iyon. Tahimik siyang umupo sa gilid ng kama ng ama niya. Nakaupo ito, medyo mahina pa rin ang katawan pero malinaw na ang isip. Binasa niya ang sobre. “Dad…” tawag niya, “may sulat po galing sa kay Adonis Gonzales.” wika niya sa ama. Kinuha ng kanyang ama ang liham. Mabagal ang galaw pero diretson

