Hindiumiwas si Meri sa tingin ni Andrew. Parang may bagay sa paraan ng pagkakatitig nito na hindi basta natatapos sa isang tingin lang.... parang may kasunod na tanong na hindi niya gustong sagutin, pero alam niyang if ever may sabihin o itatanong ito hindi niya alam kung masasagot niya iyon ng tama. Seguro nga ang pagiging sarkastiko niya na lang ang defense mechanism niya para maiwasan ang mga tanong nito. “Ang dami mong alam,” sabi niya, bahagyang nakataas ang kilay. “Parang wala kang ibang pinagkakaabalahan.” “Meron,” sagot ni Andrew. “Ikaw lang talaga ang madalas pumapasok sa isip ko.” pahayag nito. Napairap si Meri, pero hindi rin niya agad inalis ang sarili sa pwesto. “Ang yabang mo talaga magsalita.” “Hindi yan yabang,” sagot ni Andrew, nakangiti na parang sanay na sa ganitong

