“I LOVE YOU!” Yon ang sigaw ni Meri na hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya. Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo. Nabitawan ni Andrew ang bola. At tumalbog ito sa sahig. Isa. Dalawa. Tatlo. At tuluyang tumigil. Lumingon si Andrew kay Meri saka kumilos ito para lumapit sa kanya. Habang papalapit si Andrew ay nangangamba siya. Paano kung pagbantaan siya nito na buong akala nito na magbest friend lang sila, na walang malisya sa kanya ang closeness nila? Paano kung magalit ito sa kanya at hindi siya papansinin? Paano kung yon na ang simula ng paglayo nito sa kanya? Paano kung..? Paano…maraming katanungan ang lumitaw sa kanyang isipan..kaya nangangamba siya sa maaring mangyari. Parang nagsisisi siya kung bakit niya pa nagawa iyon? Kung bakit pa siya sumigaw at sinabi ang

