Parang binagsakan ng sabay ng langit at lupa si Meri nang marinig niya ang sinabi ni Andrew. Pag kasal at may asawa na ito may boundaries na. Kahit na sabihin pa na magbestfriesnd sila. iyon lang naman ang ibig sabihin no’n. Unti-unti na siyang ilalayo nito sa buhay nito. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng court habang parang nawawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Ramdam niyang mabigat ang dibdib niya. Napaupo rin si Andrew sa gilid niya. "Bakit ngayon mo lang kasi sinabi?" Malungkot na pahayag nito. Hindi na miya nakuha pang magsalita. Ewan ba niya, hindi niya maipaliwanag kunng tinatamad siyang sagutin ito o napapagod lang siyang sumagot kasi labis siyang nasasaktan nang pagkalaong iyon. Tahimik lang silang dalawa. Hindi na rin kasi nagsalita si Andrew. Maligalig ang mukha ni

