Nang lumayo si Meri at hindi nagpakita. Meron dalawang dahilan kung bakit nagawa niya iyon? Una, dahil gusto niyang takasan ang kapalaran na magpapakasal sa lalaking hindi niya kilala. Sabihin man na makapangyarihan ang lalaking iyon dahil sa kayamanan nito. Para sa kanya ay hindi mahalaga ang kayamanan dahil ang tunay na pagmamahal ay sapat na para sa kanya. Oo meron nga karangalang maging mapera sya, pero aanhin niya naman kung bawat sandali ay lumuluha ang kanyang puso? Dahil nilinlang niya ang kanyang sarili, pati ang nanahimik niyang puso. Pangalawa, lumayo siya dahil alam niyang labis siyang masasaktan habang pinapanood ang pag iisang dibdib ng lalaking pinakamamahal niya at ang babaeng pinili nito na makasama habangbuhay. Naalala pa niya, ang gabing nasa bar siya para mag

