Napatigil si Meri nang makita sina Andrew at Olivia. Magkasamang nakaupo sa isang eleganteng mesa malapit sa malaking glass window ng restaurant. Masaya silang nag-uusap. May kung anong kumirot sa kanyang dibdib. Isang sakit na akala niya ay matagal na niyang nalampasan. Subalit mabilis din niyang pinigilan ang sarili. Nasabi niya sa kanyang isipan na hindi na siya ang dating Meri. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa bawat pagkakataong makikita si Andrew na may kasamang ibang babae. Hindi na siya ang babaeng tahimik na nagdurusa habang minamahal ang lalaking hindi naman siya kailanman nakita bilang higit sa isang kaibigan. "Meri?" Tawag sa kanya ni Aldrin nang makita rin nito sina Andrew at Olivia. Naikwento na niya kasi minsan rito ang tungkol kay Andrew st kay Olivia. Napalingo

