"Meri." Napatigil siya sa paglalakad patungpng drive way. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Isang boses na minsan ay naging dahilan kung bakit palaging masaya ang araw niya noon. At siya rin ang dahilan kung bakit ilang gabi siyang umiyak ng palihim. Lumingon siya at gaya ng inaasahan niya... Si Andrew. Nakatayo ito ilang metro ang layo mula sa kanyai. "Bakit, ikaw lang mag isa! Nasaagñn ang kasama mo? Nasaan si Olivia? Don't tell ke, iniwan mo siyang mag isa?," aniyang sarkastikong tanong kay Andrew. "Alam mo pa lang kasama ko si Olivia? Hindi ko siya iniwan...nauna na siyang umuwi." Sagot ni Andrew. So, mahalaga talaga si Olivia kay Andrew. Saka ito nilapitan siya, nang makaalis na na si Olivia. Wika niya sa isipan. "Oo, naman... nakita ko nga kayo na enjoy na enjoy hab

