chapter twenty seven

1069 Words

Magulo ang isip ni Meri. Paulit-ulit niyang naaalala ang mga mata ni Andrew kanina. May kakaiba roon. Hindi niya maintindihan pero parang may gusto itong sabihin sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya. At sumagi rin si Adonis sa kanyang isipan. Tama si Aldrin, paano kung dumating ang araw na magkikita na sila at ipipilit ng mga magulang niya ang kasal? Muli siyang napabuntong hininga. "Bumalik na naman siya sa isip mo, ano?" Tanong ni Aldrin sa kanya. Napalingon siya kay Aldrin na nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho. "Hindi naman." Pagtatanggi niya sa lalaki. "Tingnan mo nga ako." Wika ni aldrin. Napairap siya. "Ano ba?" Medyo naiinis na sabi niya. Napangiti ang lalaki. "Kilala kita, Meri." At iyon ang totoo. Sa lahat ng tao sa buhay niya, isa si Aldrin sa nakaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD