Pumasok si Meri sa isa sa mga kompanyang pagmamay-ari niya nang araw na iyon. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi siya mapakali sa buong maghapon. Ilang beses niyang sinubukan na ituon ang pansin para magtrabaho. Ilang beses niyang pinilit ituon ang isip sa mga dokumentong nasa harapan niya. Ngunit paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang larawan ni Adonis Gonzales. Ang lalaking nakatalikod sa beach. At ang lalaking nasa cover ng magazine, kung saan noong isang araw lang ay na-featured ito. Hindi niya alam kung bakit... Pero habang mas tinitingnan niya ang mga larawan nito, mas lalo niyang nararamdaman ang kakaibang pamilyaridad. Parang matagal na niya itong kilala. Parang ilang beses na niyangnakita. Ngunit imposible naman dahil... Hindi pa sila nagkikita, personally.

