chapter twenty nine

1069 Words

Nakatanaw si Andrew sa malawak na bintana ng kanyang opisina. Nasa harapan niya ang ilang dokumentong dapat niyang pirmahan, ngunit ni isa ay hindi niya magawang basahin. Abala ang isip niya. At tulad ng nakasanayan nitong mga nakaraang araw... Si Meri na naman ang laman ng kanyang isipan. Muli niyang naalala ang isang tagpo, ang nangyari maraming taon na ang nakalipas. Panahon ng kanilang high school. Lalo na siya. Dahil noong...abala siya sa panliligaw...si Meri ang kanyang takbuhan. "Andrew, ang pangit naman nito." Nakasimangot noon si Meri habang hawak ang sulat na ginawa niya para sa babae na nililigawan niya. Nakahilig siya sa mesa sa loob ng classroom habang pinagmamasdan ang isinulat nitong love letter. "Ano ba ang pangit diyan?" "Kulang sa effort." Sagot ni Meri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD