Feeling ni Meri ay mabigat ang pakiramdam niya habang naglalakad palabas ng bahay. Feeling niya ay hindi niya magawang manatili roon, na magkuros ang landas nila ng ama niya at makaharap ito ng matagal. Pakiramdam niya ay muli na namang nabuksan ang sugat na matagal na niyang pilit tinatakpan. Sugat na kailanman ay hindi tuluyang naghilom...Ang sugat na iniwan ng kanyang ama. Umaalingawngaw sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan nito. "I never wanted to leave you." Napatawa siya ng mapait. Madaling sabihin iyon ngayon. Pero... Ngayon na malaki na siya? Ngayon na hindi na niya kailangan ng ama? Ngayon na kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa? At... Nasaan ito noon? Nasaan ito noong gabi-gabi siyang umiiyak dahil nagtatanong kung bakit hindi na bumalik ang daddy

