Nanatili nakatingin si Meri kay Andrew habang umaalingawngaw sa kanyang isip ang mga salitang sinabi nito. 'Matagal na akong nahulog sa'yo, Meri.' Hindi niya alam kung bakit biglang parang naging masikip ang loob ng opisina. Pati hangin at paghinga niya ay parang naging masikip para sa lanya. O baka siya lang talaga ang nahihirapang huminga. Habang si Andrew... Nakatayo lang sa harapan niya. Sa sandaling iyon ay walang salita. Parang naghihintay, parang handang tanggapin kahit ano pang isasagot niya. Sa loob ng pitong taon... May mga tao ang nagsinungaling sa kanya. May mga tao ang nagtaksil. At may mga tao ang iniwan siya. Pero sa paraan ng pagtitig ni Andrew ngayon... Parang wala siyang nakikitang kasinungalingan, parang nabuong damdamin iyon na matagal na sana nasabi sa k

