Stop digging. Tatlong salita lamang. Pero sapat iyon para ibalik siya sa nakaraan. Sa mga panahong natutunan niyang may mga taong hindi kailanman dapat maliitin. Mga taong hindi kailangang magtaas ng boses para manakot. Dahil ang impluwensya nila para sirain ang buhay ng isang tao ay saat na. Ibinulsa niya ang cellphone pero nandoon ang kaba Hindi niya agad sinabi kina Meri at Kath ang tungkol sa mensahe. Ayaw niyang dagdagan pa ang tensyon. Pero sa loob-loob niya... Alam niyang may nakamasid sa lahat ng kilos at galaw nila. At hindi nagkataon ang lahat ng iyon. "Aldrin. Napatingin siya kay Meri. Nakasalubong ng tingin niya ang seryosong mga mata nito. "Ano'ng laman ng message?" Tanong ni Meri. Napabuntong-hininga si Aldrin dahil hindi niya kayang magsinungaling.ñ Hind

