Nanatili si Meri na nakatayo habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Ang malamig na hangin ay patuloy na humahaplos sa kanyang balat ngunit wala siyang maramdaman. Masyadong maraming emosyon ang nagsisiksikan sa kanyang dibdib. Galit. Sakit. Pagkalito. At higit sa lahat... Pagod. Pagod na pagod na siyang habulin ang mga tanong na tila walang kasagutan. Napapikit siya ng mga mata. Sa loob ng maraming taon, pinilit niyang tanggapin ang nangyari. Pinilit niyang kumbinsihin ang sarili na baka iyon na talaga ang kapalaran niya. Na minsan sa buhay, may mga taong nagiging kontrabida sa kwento kahit wala naman silang ginawang masama. Pero ngayon ay... nababasag na ang paniniwala na iyon. At ang bawat katotohanan na lumalabas ay parang kutsilyong paulit-ulit na sumusugat sa kanyang

