Tanging alon lang sa di kalayuan ang sumasabay sa tensyon na sumisiksik sa dibdib ni Meri. “Mas malaking taong gustong manira sa’yo,” wika ni kath sa mahinang boses, hindi niya alam kung totoo ba ang narinig niya. Kung may maninira sa kanya sino naman yon? Ay sino ba ito ypang sirain aang bujay niya? Anang isipan ni Meri. “Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na, Kath. Pagod na ako sa mga paligoy-ligoy mo at kasinungalingan." Pahayag niya. Napayuko si Kath. Nanginginig ang kamay nito na parang may kinatatakutan na mas malala pa sa galit ni Meri. “Hindi madali…” mahinang simula nito. “Hindi madali na sabihin ngayon, after all these years.” Napasinghal ng mahina si MerI. “Kung hindi ngayon, kailan?” malamig niyang tanong. Saglit na katahimikan dahil hindi agad sumagot si Kath.

