chapter thirty eight

1360 Words

“Lolo…” Huminto si Andrew sa harap ng opisina ng matanda sa loob ng ancestral house. Nakaupo ang kanyang lolo sa leather chair, nakasalamin, nakatingin sa ilang papeles na parang matagal ng pinag-aaralan. Hindi agad sumagot ang matanda. Ang mga mata nito ay nanatiling nakatutok sa binabasa. “Umalis muna ang lahat,” mahinang wika ng lolo niya sa mga tauhan nito, habang hindi pa rin siya tinitingnan. Napakuyom si Andrew. “Kailangan ko pong magsalita.” Sa wakas, itinaas ng matanda ang paningin nito kay Andrew. “Tungkol saan? Sa ebidensya?” tanong nito. Tumango si Andrew. “Opo.” Sandaling tumigil ang paligid sa pagitan nilang dalawa. Ang mga salitang hindi pa binibigkas ay parang bumabalot sa buong silid. Mabigat ito. “Hindi mo dapat hinahawakan ang bagay na ‘yan mag-isa,” s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD